135 beer sa umaga

79 15 5
                                    

sakuragi's residence*

makalipas ang ilang sandali hindi nakatiis si oksu, sumilip sya sa bintana na nasa likoran nya,.

nakita nyan na nakaupo si sakuragi sa sahig habang tahimik na umiinom ng beer,.

tsk",.
ang aga ah",. sabi ni oksu ng makitang tumutungga ng beer ang kaybigan,.

tumayo sya at pumasok sa bahay ni sakuragi,.

ayan na ba ang pinaka kape mo ngayon ah",.
hanamichi"?,. tanong ni oksu habang papalapit,.

hindi nagsalita si sakuragi nanatiling nakatingin sa kawalan,.

naiiling na ipinagpatuloy ni oksu ang paglalakad patungo sa kusina,.

0h pulutan",. sabi ni oksu ng makabalik sa sala, at naupo malapit kay sakuragi,.

malamig ba yang beer mo"?,. tanong ni sakuragi ng makita ang hawak na beer ni oksu,.

oo bakit gusto mo"?,. tanong ni oksu sabay abot ng beer sa kanya,.

wag na sayang naman ito kung di ko uubusin",. 

loko ka bakit ba ang aga mong uminom"?,.
hindi pa malamig yang beer na iniinom mo, anong akala mo dyan kape"?,. 

wala syang kibong inirapan si oksu,. 

bumuntong hininga si oksu saka uminom ng beer,.

anong problema hanamichi"?,.

wala syang kibo na umiling,.

anong wala",.
eh parang mas mapait pa yang mukha mo kesa dyan sa iniinom mong beer na hindi malamig",. 

huh",. sabi nya na may mapait na ngiti,.

pare",.
wala man akong maitutulong sa problema mo, pwede naman akong makinig at damayan ka",. 

walang kibong iniabot nya ang cell phone nya kay oksu,.

nagtatakang kinuha ni oksu ang phone at tinignan,.

video",. sabi ni oksu sa isip pagkakita sa video na galing kay haruko,.

napatingin ni oksu sa kanya,.

sino ang nasa video"?,. tanong ni oksu,.

panoorin mo",. sagot nya saka tumungga ng beer,.

pinanood ni oksu ang video,.

hanamichi alam mo bang sila haruko at rukawa ang nasa video"?,. 

tumango si sakuragi,.

alam mo pala bakit pinanood mo pa"?,. 

walang kibo syang yumuko,.

pare",.
alam mong masasaktan ka pagpinanood mo ito",.
kaya bakit mo pa pinanood"?,. 

gusto kong makita kung gaano sya kasaya",. 

nakita mo na ba kung gaano sya kasaya"?,. 

tahimik sya na tumungga ng beer saka tumango kay oksu,.

anong pakiramdam pare"?,. 

sa totoo lang, masaya ako na masaya si haruko,. 

hanamichi",.
matagal na tayong magkaybigan, halos sabay sabay tayo nila mito na lumaki at magkaisip kaya pwede ba wag mo na kaming idamay sa panloloko mo sa sarili mo",. 

huh",. sabi nya na bahagyang umangat ang gilid ng labi na lumikha ng isang mapait na ngiti,.

alam ko pare nasasaktan ka, oo masaya ka para kay haruko, na masaya sya sa piling ni rukawa",..
pero pano ka"?,.
pano naman ang nararamdam mo"?,. 

i love my reboundTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon