Kaibigan

3 0 0
                                        

Kaibigan

Kay gandang pagmasdan ang mga tanawin,
Ang hanging dumadampi sa balat ay kay sarap damhin.
Inihehele ako ng musikang dala ng kalikasan,
Bagay na kay sarap damdamin kasama ang kaibigan.
Ikaw ang kahilingang dumating at nagsilbing gabay ko,
Ginagawa mo ang lahat upang mapasaya ako.
Ang pagsasama natin ay isang biyaya mula sa itaas,
Nananabik na makita kang muli at mangangakong ‘di na muling iiwas.

Tula sa PapelMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon