Multo ng Nakaraan
Ano ba itong nadarama?
Pighating tila walang katapusan.
Ito ba’y isang parusa?
Hanggang kailan magdudusa?
Minumulto ako ng nakaraan na dapat limot ko na.
Nariyan pa rin ang pait at sakit na iniwan ng pangyayari.
Hindi na yata makakalaya sa gapos ng nakaraan,
nakakulong na sa hawla ng kadiliman.
Paano pa pagtitibayin ang lakas ng loob
kung napapagod na sa mga nangyayari?
Ano pa ang saysay na lumalaban
kung paulit-ulit na natatalo, nadidismaya?
Saan ako lulugar? Saan ako papatungo?
Ako pa ba’y matatanggap ninuman?
Hindi ko ginusto, wala akong pahintulot.
Sinaktan ako, walang laban, ‘pagkat inosente pa.
Tama na... hindi ko na kaya, hapong-hapo na ako.
Multo ng nakaraan, ‘wag mo na akong sundan pa.
Bakit ako pa itong nagdurusa?
Ako itong biktima, pero ba’t nagiging kasalanan ko pa?
BINABASA MO ANG
Tula sa Papel
PoetryMga tulang may magkakaibang tema at paksa na likha ng malikot na isipan, sa papel ito'y nakasulat na. Ang buhay ay puno ng pagsubok. Hayaan na ang realidad at pantasya ay magsama sa mga piyesang hinabi ng may-akda.
