Pagkakulong

11 0 0
                                        

Pagkakulong

Paano ba makalaya?
Dinadalaw pa rin ng bangungot ng nakaraan.
Nakagapos — nanghihina, walang magawa.
Bawat bigkas na salita, walang nakaririnig.
Boses na ‘di marinig, iyak na patuloy dumadaloy.
Hanggang kailan magpapatuloy ang hinagpis?
Tila ibong nakakulong sa hawla,
Naghihintay makawala — tuluyang makalaya.

Tula sa PapelMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon