Kumusta
Kumusta ka na?
Simpleng tanong pero minsan mahirap sagutin.
Madaling tanungin sa iba pero sa sarili natanong ba?
Kinumusta ba ang sariling pagod na?
Akala ko may makakapansin,
pero wala... wala man lang nagtanong.
Walang nagtaka kung ba’t ako tahimik,
bakit hindi na ako maingay gaya ng dati?
Wala eh, kasi ang salitang kumusta,
tila ‘di nararapat na sa aki’y tanungin.
Sino nga ba ako sa buhay nila?
Isa lamang akong estranghero sa paningin nila.
O baka ako ang problema?
Ako itong hindi nagsasabi,
sinasarili ang mga problema.
Pero tinanong ba man lang ako—kumusta ka?
Nandoon na, tinanong pero hindi pinatuluyan.
Nagtapos agad ang usapan,
tila segundong kay bilis lumipas.
Nagmistulang isang tanong, isang sagot.
Ganito na ba talaga?
Wala ng tunay na pakumusta?
Pero kailan ba nangyaring may gano’n?
Nasanay na sa mababaw na usapan.
BINABASA MO ANG
Tula sa Papel
PoetryMga tulang may magkakaibang tema at paksa na likha ng malikot na isipan, sa papel ito'y nakasulat na. Ang buhay ay puno ng pagsubok. Hayaan na ang realidad at pantasya ay magsama sa mga piyesang hinabi ng may-akda.
