Tinta
Ilang beses naisipang sumuko,
Ilang beses din lumuha dahil dito.
Nalulumbay dahil tila walang nakakikita—
Nakakikita sa mga isinusulat ko.
Ang mga akda ko ba ay ‘di maganda?
Ngunit bakit ko ibaba ang mga sinulat ko?
Tila ako’y pinapaslang dahil dito.
Kailan kaya madidiskubre ang aking mga akda?
Minsan man ay nawawalan ako ng tinta,
Nahahanap ko pa rin ang aking sariling nagsusulat.
Marahil simula pa lang ay pagsusulat ang sandalan ko.
Tila maubusan man ng tinta, magpapatuloy pa rin ako.
BINABASA MO ANG
Tula sa Papel
PoetryMga tulang may magkakaibang tema at paksa na likha ng malikot na isipan, sa papel ito'y nakasulat na. Ang buhay ay puno ng pagsubok. Hayaan na ang realidad at pantasya ay magsama sa mga piyesang hinabi ng may-akda.
