Manunulat

6 0 0
                                        

Manunulat

Dati ay isa lamang akong mambabasa,
Hinahangaan ang mga gawa ng iba.
Ako'y nanubok din na magsulat,
Ito’y aking naging libangan.

Pagsusulat ang gamot
Sa mga nararanasang pasakit.
Sa bawat paghawak sa pluma at papel,
Tila naghihilom ang mga sugat.
Kaya dito ako’y nahilig.

Ilang ulit man na ako’y natigil,
Pagsusulat ay binabalikan pa rin
Sapagkat dito ako nagiging payapa.
Ako ang pagod, pagsusulat ang aking pahinga.

Tula sa PapelMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon