Papel at Pagkabalisa
Nakatingin sa blangkong papel,
Hindi alam kung anong isusulat.
Tila ang isip ay hindi na gumagana,
Napagod na sigurong mag-isip pa.
Alam ng utak, may maisusulat pa siya,
Pero napagod na siyang pagtagpiin ang mga salita.
Naging magulo ang isip, hindi na mapakali,
Sapagkat dinalaw na naman ito ng pagkabalisa.
Sa simpleng tula na lang idadaan
Ang nararamdaman— ang mga halo-halong emosyon,
Baka sakaling mabawasan ang pasan na bigat.
Sa blangkong papel, nabuhos ang luha ng pagkabalisa.
BINABASA MO ANG
Tula sa Papel
PoetryMga tulang may magkakaibang tema at paksa na likha ng malikot na isipan, sa papel ito'y nakasulat na. Ang buhay ay puno ng pagsubok. Hayaan na ang realidad at pantasya ay magsama sa mga piyesang hinabi ng may-akda.
