Gulong-gulo

4 0 0
                                        

Gulong-gulo

Hindi makatulog sa gabi,
Isipan ay gulong-gulo.
Maraming gustong gawin,
Hindi alam ang uunahin.

Nawawalan ng gana,
Nais lamang mamahinga.
Ano ba itong nadarama?
Nakakapagod na talaga.

Natutulala na lang sa isang tabi,
Nakatitig sa kisame.
Hindi na naman mapakali,
Sarili’y wala na naman sa wisyo.

Tula sa PapelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon