Ibubulong
Ibubulong na lang sa hangin,
‘pagkat wala ring nakakaintindi sa akin.
Sinong nakadidinig sa bawat pagluha?
Ang mga mata ay pagod na.
Bawat piyesa ay ‘di lang basta isang akda.
Kung iyong lilimiin ay iyong mahihinuha
na ito’y senyales ng malalim na kalungkutan,
ako’y pagod ng lumaban.
Paano kahaharapin yaong problema
kapag nawawalan na ng pag-asa?
Makakaahon pa ba sa pagdurusa
kung ayaw ng harapin ang bukas?
Dugong puno ng galit,
siyang nananalantay sa ugat.
Itong poot na dulot ng pagkabilanggo—
nirehas ng nakaraang ‘di malimutan.
Hanggang kailan kikimkimin itong sakit?
Mananatiling tahimik na lang
at ibubulong sa hangin ang mga hinaing,
nagbabasakaling may makarinig din.
BINABASA MO ANG
Tula sa Papel
PoetryMga tulang may magkakaibang tema at paksa na likha ng malikot na isipan, sa papel ito'y nakasulat na. Ang buhay ay puno ng pagsubok. Hayaan na ang realidad at pantasya ay magsama sa mga piyesang hinabi ng may-akda.
