Sa Mundong Ito
Nais lisanin ang mundong ito,
ngunit may mga bagay na ‘di kayang iwan.
Ito na ang nagsilbing realidad,
hindi na makaalis—may pumipigil.
Pekeng pangalan na gamit,
nagsilbing pagkakakilanlan ng ilang taon.
Sa pangalan na ito’y may nakakubli—
mga lihim na hangarin at pait ng kahapon.
Dito nanahanan, ginawang libangan.
Sa mundong ito’y napalapit ang puso,
lisanin ito’y isang mabigat na desisyon.
Sa huli, babalik at babalik pa rin ‘pagkat dito ako mas malaya.
BINABASA MO ANG
Tula sa Papel
PoetryMga tulang may magkakaibang tema at paksa na likha ng malikot na isipan, sa papel ito'y nakasulat na. Ang buhay ay puno ng pagsubok. Hayaan na ang realidad at pantasya ay magsama sa mga piyesang hinabi ng may-akda.
