Marso
Marso na naman,
buwan na labis akong nasasaktan.
Ang alaala ng kamusmusan,
paulit-ulit tumatakbo sa isipan.
Akala ko sa bawat taong lilipas,
ang sakit na nadarama ay magwawakas.
Na sa paglipas ng bawat buwan,
hindi na ako makakadama ng labis na kalungkutan.
Sa buwan ng Marso ako lubos na nasasaktan,
Labis nitong pinapaala ang nakaraan.
Kung paano ako lisanin ng aking pamilya,
Sa paglayo nila na 'di ko na sila masisilayan pa.
BINABASA MO ANG
Tula sa Papel
PoetryMga tulang may magkakaibang tema at paksa na likha ng malikot na isipan, sa papel ito'y nakasulat na. Ang buhay ay puno ng pagsubok. Hayaan na ang realidad at pantasya ay magsama sa mga piyesang hinabi ng may-akda.
