After we left the cafeteria,
"Ang boring." Wika ni Wren habang nakapangalumbabang nakatingin sa mga dumadaang estudyante.
"Yeah. Kung hindi lang ako mapapagalitan kapag umuwi ako, ginawa ko na. Buryong buryo na ako eh." Tinatamad na sabi ni Gianna habang nilalaro ang buhok ni Ryder na walang pakialam sa nangyayari sa paligid. Basta seryoso lang itong nagbabasa sa kaniyang libro habang nakakunot ang noo.
Si Wyatt naman... napa-poker face ako nang mapansing mapusok itong nakikipaghalikan sa babaeng katabi. Hindi ko alam pero kinikilabutan ako.
"Lumayas ka dito Wyatt kung mahal mo pa 'yang ulo mo. Don't make out in front of us you manwhore!" Iritang sabi ko sa kaniya. Tinapunan lang niya ako ng tingin at muling ipinagpatuloy ang ginagawa. "If you won't stop, I swear, you'll regret what happen next, don't try me."
Agad na bumakas ang pagkairita sa kaniyang mukha. Ang kahalikan naman niya ay nag-hi sa amin ngunit walang pumansin sa kanya. I know that was rude but we don't care. She looks stupid in our eyes.
"Tsk. Oo na." Iritang sabi ni Wyatt nang mapansing lahat kami ay masama ang tingin sa kanya maliban syempre kay Ryder na wala pa ring pakialam sa paligid. Inalalayan ni Wyatt ang babae na tumayo saka nakaakbay siya ritong naglakad palayo.
"Kawawang babae." Naiiling na sabi ni Gianna na ngayo'y nakatanaw sa dalawang papalayo na.
"Every students here except freshmens knew that man is a certified playboy." Naiiling din na sabi ni Wren.
Napatingin ako kay Ryder. Nakunot ang noo ko nang mapansin ang kalmado niyang mukha. Hindi na salubong ang kilay niya ngunit nakatungo pa rin siya sa librong binabasa.
"Is he is sleeping?" Takang tanong ko kay Gianna.
Sinilip niya ang mukha ng katabi at mahinang natawa. "Yeah he is." Pareho kaming natawa. Kahit saan talaga ang lalaking 'to, nakakatulog ano man ang posisyon o ginagawa.
Dahan dahang inalalayan ni Gianna si Ryder pasandal ang ulo sa balikat niya. Kung hindi mo sila kilala, iisipin mong magkasintahan sila dahil sa posisyon nila, pero ang totoo, lahat kami ay kapatid na ang turing sa isa't isa.
Busy ako kakamasid sa dalawa nang lumampas ang mga mata ko sa lalaking mag-isang nakaupo sa bench na hindi kalayuan mula sa puwesto namin. Nakaharap siya sa amin pero nakatungo. Bago na ang kaniyang suot na damit. Kahit malayo, halata pa rin ang mga pasa sa mukha niya ngunit parang wala lang 'yon sa kanya dahil kalmado siya't busy sa kung anuman ang ginagawa niya.
Nangalumbaba akong pinag-aralan ang kanyang mukha. He's like a... loser. Tsk. Pero kung pagmamasdan mo pa nang maigi, matangos ang ilong niya. Maputi siya at kung mag-aayos lang ay may itsura naman. Pero dahil mukhang wala man lang yata itong balak na ayusin ang magulo at may kahabaan niyang buhok na mukhang ni minsan ay hindi nasuklay ay mukha talaga siyang loser. Dumadagdag pa ang salamin niyang makapal ang grado at ang suot niyang oversize na damit. Hindi ba marunong mag-ayos 'tong lalaking 'to?
"Type mo 'yang si Logan?" Nabaling ang tingin ko kay Wren nang itanong niya iyon.
Tinaasan ko siya ng kilay. "What? Sinong Logan?"
Nginisian niya ako. "'Yang nerd na kanina mo pa tinititigan. His name is Logan Griffin. Hulaan ko, hindi mo siya kilala ano?"
"Malamang. Ngayon ko lang nakita ang isang 'yan eh. Mukhang bago rito." Mataray kong sabi.
Pareho silang natawa ni Gianna na mas ikinataas pa ng kilay ko.
"Sav, matagal na 'yang student dito. Ka-batch din natin siya. Matagal na rin 'yang binu-bully. Ibang klase ka talaga. Everybody knows him as a loser. Because you see? He look like a loser." Natatawang paliwanag ni Wren.
"I really don't know him." Mahinang sabi ko na ang tingin ay nasa kay Logan na.
"Eh paano mo naman siya makikilala eh pareho lang naman kayo nitong si Ryder na walang pakialam sa mundo. Tsk, himala nga't nakisawsaw ka sa mga etudyanteng nakikiusisa kanina." Ani Gianna at malakas na tumawa na sinundan ng mas malakas pang pagtawa ni Wren.
"'Wag mo nga akong ikumpara riyan kay Ryder, Gianna, may pakialam pa rin naman ako sa paligid ko. Sadyang hindi lang ako interisado minsan." Pagrarason ko na totoo naman.
"At ngayon ay mukhang naging interisado ka na at sa nerd pa talagang 'yan?"
Sinamaan ko ng tingin si Wren. "What the hell Wren, hindi ako interisado sa kaniya 'no. He's not even my type."
Mas lalo pang lumakas ang pagtawa nila ni Gianna.
"You know what Sav, wala namang problema sa amin kung magkakagusto ka sa kaniya. Susuportahan ka pa nga namin." Ani Wren.
Inirapan ko siya at hindi na lang siya pinansin.
Muli kong tiningnan si Logan. Nakatingin na rin pala siya sa puwesto namin at gusto ko na namang kilabutan dahil sa lamig ng kaniyang tingin. Except for being a loser, this man is also kinda scary and there's something on him I can't define. He's... he's different. I wonder what kind of man he is behind those messy looks.
Siya ang naunang nagbaba ng tingin. Tapos ay inayos niya ang mga gamit niya at bitbit ang ilang mga libro ay umalis siya sa kinauupuan niya.
"Look at her, she's smiling like an idiot."
Agad akong lumingon kay Wren. I gave her an innocent look. "What? I'm enjoying watching him. He may creepy, cold and emotionless, but he's cool."
Gianna laughed. "Seriously Savannah? Cool?"
Nginitian ko lang siya.
"Admit it Sav, do you like him?"
Walang gana kong tinapunan ng tingin si Wren. "Of course not!" Mabilis kong tanggi.
Nginisian nila ako nang nakakaloko.
"Sige itanggi mo lang; hindi na kami magtataka kung dumating ang araw at sasabihin mong, 'guys, I think I'm in love." Ani Wren habang nakatingala sa taas at nakahawak sa dibdib ang mga kamay na para bang nag-iimagine ng kung ano.
Malakas ulit silang tumawa dahilan para lingunin na kami ng mga nasa paligid namin.
Tsk, kahit kailan talaga 'tong babaeng 'to. Napaka walang kuwenta mag-isip.
BINABASA MO ANG
The Emotionless Cold Nerd (Completed)
Aktuelle LiteraturEveryone admires, respects, and fears Savannah Hernandez. In the eyes of other people, she's a beautiful heiress from a well known family. But in the eyes of her friends, she's a cold hearted assassin who'll kill without a second thought. She's not...
