Tapos na ang maikling bakasyon at balik eskwela na uli. Kaya maaga na naman ako nagising dahil kailangan. Hay... nakakatamad talagang mag-aral pero kapag wala namang klase ay mamimiss ko ang University.
Nabaling ang tingin ko sa bedside table nang mag-ring ang cellphone ko. Agad ko 'yong kinuha at sinagot ang tawag nang hindi na tinitignan kung sino ang tumatawag.
"Hindi ko maayos ang video. Ang hirap hirap." 'Yon na agad ang bungad sa akin ng nasa kabilang linya.
Boses pa lang ay kilalang kilala ko na. Masakit kasi siya sa tainga magsalita at parang palaging sumisigaw. Ilang araw na niyang inaayos ang video pero hindi pa rin niya magawang ayusin.
"Okay lang Wren deleten mo na lang kung hindi na talaga maaayos."
"Anong deleten? Importante 'yon no. Pero don't worry, ipapaayos ko kay dad kaso, mamayang hapon pa ang uwi niya eh. Okay lang ba?"
"Okay lang, salamat." Pinatay ko ang tawag kahit nagsasalita pa lang siya. Ibinalik ko ang cellphone sa bedside table at tamad na bumaba ako ng kama. Naghihikab na tinungo ang bathroom para maligo.
Pagpasok kong bathroom ay agad kong kinuha ang toothbrush ko't nilagyan ng toothpaste bago nagsipilyo. Nang matapos ay naghilamos ako bago hinubad lahat ng saplot ko't itinapat ang sarili sa shower.
Hindi ko maiwasang manginig nang maramdaman kung gaano kalamig ang tubig kaya napaatras ako nang wala sa oras. Katangahan mo talaga Savannah...
Nilalamig na pinaghalo ko ang mainit at malamig na tubig sa shower at nang sakto na ang init ay muli kong itinapat ang sarili roon.
Matapos kong maligo ay agad din akong lumabas ng bathroom at tinungo ang walk in closet ko para magpalit ng damit saka nag-ayos ng sarili at nang matapos ay agad din akong lumabas ng kuwarto dala ang mga gamit ko dire-diretso pababa ng hagdanan. Saktong pagdating ko sa pinaka dulo ng hagdanan ay nagbukas ang pinto ng kusina kaya nabaling doon ang tingin ko. Iniluwa niyon si Jett na may hawak na tasa ng kape. Sunod na lumabas ay si Dalton. Ang isang kamay nito ay may hawak na plato na may taosted slice bread. Ang isa naman ay may hawak na tasa ng kape.
Parang hangin lang ako sa paningin ng mga itong naglakad patungong salas. Halos sabay lang na naglapag ng mga bitbit at halos sabay lang din na naupo. Binuhay nila ang TV. Nilipat lipat ang channel hanggang sa tumigil sila sa cartoons na Larva na ikinapoker face ko.
"Bakit narito kayo?" Tanong ko.
Halos sabay lang silang lumingon.
"Hey, gising ka na pala." Ani Dalton. Malapad itong nakangiti kaya kitang kita ang malalalim niyang dimple.
"Na-short ako ng pera kaya makikiagahan na muna ako rito." Sabi naman ni Jett na ikinakunot ng noo ko.
"Naghihirap ka na naman?" Tanong ko na ikinasimangot niya.
"Lahat kinuha ng mga magulang ko sa akin kaya makikitira na muna ako sa condo mo pansamantala hangga't hindi pa nila ibinabalik lahat ng kayamanan ko."
I tsk. May ginawa na naman sigurong kalokohan ang mokong na 'to kaya walang natira sa kaniya. Binalingan ko si Dalton. "At ikaw? Anong ginagawa mo rito?"
"Bakit? Hindi na ba ako welcome sa bahay mo?"
"Hindi." Sagot ko.
"Nagka-love life ka lang naging ganiyan ka na?" Tanong niya na may halong pagdadrama na hindi naman nagpakumbinsi sa akin.
"Matagal na akong ganito sa 'yo Dalton."
Maramdamin siyang nagbuntong hininga. "Nabuburyo lang naman ako roon sa bahay ko. Puro mga pangit na mukha na lang ng mga tauhan ko ang nakikita ko kaya napagdesisyunan ko munang bumisita kay Jett sa pag-aakalang makakatira ako sa bahay niya pansamantala para malibang nang kaunti ngunit hindi ko naman aakalain na namumulubi na pala ang king inang 'to kaya napagdesisyunan naming makitira muna sa condo mo." Paliwanang niya tapos ay ibabalik na sana ang tingin sa pinapanood nang may mapagtanto. "Siya nga pala, bakit wala ng alak sa ref mo at puro mga softdrinks na lang ang naroon? Nagbagong buhay ka na ba't himala yatang hindi ka na nag-iinom?"

BINABASA MO ANG
The Emotionless Cold Nerd (Completed)
General FictionEveryone admire, respect, and fear Savannah Hernandez. She's not the type of person to be humble when she's hurt. She also never let anyone to dictate her because she has her own decisions in everything she does.But, when it comes to Logan Griffin...