Chapter 87

1.6K 49 0
                                        

SAVANNAH'S POV

"Kuya, alam  mo ba kung saang parte ng bahay itinago ang ina ni Gianna?"

"Hindi na ako nagtataka kung bakit hindi na ako welcome riyan."

"Ano? Bakit?"

"He's really crazy. Paano na ako kuya?"

"Tsk. Ganito talaga niya ako pahihirapan?"

"Pero ikaw na lang nakakatulong sa akin. Pano ako?"

"Okay, I'll keep that in mind."

Mga salitang narinig ko nang maalimpungatan ako kaninang madaling araw. Mga salitang tumatak na sa isipan ko.

Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata. Bumaling ang tingin ko sa kabilang bahagi ng kama. Wala na roon si Logan. Bumangon ako't nagtungong banyo para palitan ang benda ng sugat sa binti ko pero nagtaka ako nang makitang may bago na 'yong benda. Siguro ay pinalitan na niya habang tulog ako. Bago na rin ang suot kong damit kaya nagsipilyo't naghilamos na lang ako.

Nang matapos ay agad din akong lumabas ng banyo. Bahagyang sinuklay ang medyo nagulong buhok bago lumabas ng kuwarto ko at agad na tinungo ang elevator para magpahatid sa first floor.

Nang bumukas ang elevator sa first floor ay dumiretso na akong dining area. Pagpasok ko ay ipinalibot ko ang tingin sa kabuuan ng dining room. Naroon na ang lahat maliban kay Logan. Saan kaya nagpuntang ang tang*nang 'yon?

"Good morning everyone." Nakangiting bati ko sa lahat at humalik sa pisngi ni mommy at daddy. Nakipag fist bomb naman ako kay lolo bago naupo sa tabi ni Gavin at inagaw ang isusubo sana nitong hotdog. Salubong ang kilay na nag-angat siya ng tingin. Kinindatan ko lang siya nang magtama ang mga mata namin.

"Good morning bro." Bati ko sa kaniya at nagsimulang maglagay ng agahan sa plato ko.

"Tsk. Morning." Bati rin niya pabalik at ibinalik ang tingin sa kinakain.

"Nasaan po si Logan?" Tanong ko saka humigop ng kapeng inilapag ni mommy sa tabi ko.

"Umuwi. May aasikasuhin daw eh." Tugon niya.

Hindi na lang ako nagsalita pa at nagpatuloy sa pagkain. Hindi man lang nagpaalam ang tang*nang 'yon. Matapos mag-agahan ay sa kuwarto ko ako nagpalipas oras para lang magplano ng mga dapat kong gawin at magplano ng mga susunod kong hakbang.

Pumasok sa isipan ko ang mga narinig. Kung iintindihin ko nang mabuti at base na rin sa boses niya, parang nawawala na ang lahat sa kaniya. Paanong natitiis ng mga magulang niyang magdusa siya nang ganito? What kind of parents they are?

Naihilamos ko ang mga palad sa mukha ko. Kung hindi kaya ako pumasok sa buhay niya ay hahantong kaya sa ganito ang lahat? Sa tingin ko ay hindi. Sa tingin ko ay payapa ang lahat at sa tingin ko rin ay hindi rin madadamay si Gianna at ang ina niya.

Ihiniga ko ang likod sa malambot na kama. Kung susugod ako roon, kailangan ko ng mahusay na pagpaplano at hindi niya 'yon dapat malaman dahil alam kong pipigilan niya ako o baka susundan niya ako 'pag nagkataon. Base na rin sa mga napapansin ko ay kaya nila siyang saktan nang walang pag-aalinlangan.

The Emotionless Cold Nerd (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon