Chapter 83

1.4K 39 0
                                    


"Okay ka lang?" Tanong ni Logan na nakaupo sa ugat ng puno. Kanina pa siya pasulyap sulyap sa akin simula nang dumating ako.

Humiga ako sa bermuda grass. "Okay lang ako." Sabi ko na puno ng kasinungalingan at ngumiti... nang pilit.

Kung hawak nila ang ina ni Gianna ay magiging mahirap ang pagbawi sa kaniya. I let out a deep breath. This will be hard.

Mabilis akong kumurap nang maglarawan sa kalangitan ang mukha ni ate. Kilala pa kaya niya kami? Muli akong nagbuntong hininga. Ang nakilala kong ate ko, kailan man ay hindi ako tinitigan nang walang buhay. Palagi siyang ngumingiti kapag nagtatama ang mga mata namin. Kinuha ko ang bag ko't niyakap 'yon nang mahigpit. I really missed her.

"You're acting different. May nangyari ba?" Tanong na naman ni Logan.

"Wala." Sagot ko. Nilingon siya't nginitian.

Seryoso ang mga matang sinalubong niya ang aking tingin. "You're lying. You're hiding something I can feel it Savannah."

Muli na naman akong nagbuntong hininga. Ang hirap sa kaniya ay ang dali niyang makaramdam ng kakaiba dahil masyado siyang mapagmasid. Iniiwas ko sa kaniya ang tingin.

"Just this morning at the ground floor of the condominium, I saw my sister with your father." Pag-amin ko. There's no way of hiding the truth. Malakas ang pakiramdam niya at maraming alam.

"H-hindi ka ba nila sinaktan?" Tanong niya na may bahid ng pag-aalala.

"Hindi naman." Tugon ko. "Siya nga pala, bakit kung umakto si ate sa harap ko ay parang hindi niya ako kilala? May nangyari ba sa kaniya?"

"Wala rin akong alam. Hindi rin naman lahat ay sinasabi sa akin ng ama ko noong mga panahong madalas ay nasa mansyon ako."

"May alam ka ba tungkol sa ina ni Gianna?" Pag-iiba ko ng usapan.

"Yes my brother told me. I want to save her but my father is so powerful. Masasabi kong malakas ako pero may mas malakas pa sa akin." Iniiwas ko ang tingin sa kaniya saka tumayo. "Saan ka pupunta?"

"Papasok na. Gusto mo akong ihatid?"

Tumitig siya sa akin. "Puwede ba akong humiling?" Sa halip ay tanong niya.

"Ano 'yon?" 

"Kahit anong mangyari, 'wag na 'wag kang pupunta sa bahay ng mga magulang ko. Sinasabi ko sa 'yo, hindi ka mananalo sa kanila." Seryosong sabi niya.

Tinalikuran ko siya. "Alam ko naman 'yon. Ikaw na ang isa sa mga ehemplo niyon pero hindi ako ang tipo ng taong basta basta na lang susuko nang hindi pa nakakasubok." Narinig ko ang kaluskos niya papalapit sa akin kasunod niyon ay ang pagtayo niya sa harap ko.

"Look at me." Utos niya nang mapansing nakatungo ako.

Walang buhay akong nag-angat ng tingin sa kaniya pero imbis na makaramdam siya ng kakaiba ay nanatiling kalmado ang kaniyang mukha.

"Kung balak mong sumugod do'n, pakiusap, 'wag na 'wag mo nang ituloy dahil sinasabi ko sa 'yo, hinding hindi ka mananalo." Mariin niyang sabi.

"Alam ko." Sabi ko't nilampasan siya.

Nagbuntong hininga siya't sumabay sa paglalakad ko. Alam ko, alam kong hindi ako mananalo pero hindi naman puwedeng tumunganga na lang ako at hayaan na lang na magdusa ang kaibigan ko. Alam kong hirap na hirap na siya ngayon dahil sa pinagdadaanan ng ina niya.

Walang imik na sumakay kami ng elevator. Hindi siya nagbalak magtanong kahit halatang halata sa kaniyang marami siyang gustong itanong na ipinagpapasalamat ko.

The Emotionless Cold Nerd (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon