"Huy, kanina ka pa tulala. May bumabagabag ba sa 'yo?" Tanong ni Wren saka sumipsip ng ube shake sa straw.
Imbis pansinin siya ay humiga ako sa damo. Ginawang unan ang bag ko at pumikit. Pagkatapos naming mag-lunch ay rito naman namin naisipang tumambay sa feild sa ilalim ng puno.
"Aba, hindi namamansin? Kung ikaw kaya ang hindi ko pansinin?" Bakas ang iritasyon sa kaniyang boses. "You're being snob again."
Tumagilid ako ng higa patalikod sa kaniya. Nag-iingay na naman.
"And you're being talkative again." Ani Wyatt sa kakambal.
"Ano naman ngayon kung talkative ako? It's one of my talent, don't you know that?"
Narinig ko ang mapang-insultong pagtawa ni Wyatt. "Really Wren? Being talkative is a talent? Isn't it a habit?"
"Then being KSP is a habit too?"
"What KSP?" Tanong ni Ryder.
"Wow... akala ko napipi ka na. Marunong ka pa palang magsalita? Nagkaroon na ba ng himala?" Mapang-asar na sabi ni Wren kay Ryder.
"I'm asking what KSP is noisy woman."
Malakas na humalahakhak si Wyatt dahil sa sinabing iyon ni Ryder kay Wren. "Bro, KSP means Kulang Sa Pansin." Sagot ni Wyatt sa tanong ni Ryder.
"Means, you are kulang sa pansin?" Inosenteng tanong ni Ryder.
And Wren laugh louder than her twin. "See brother? Even Ryder said you're a KSP."
I sighed. Alam ko na kung saan ang patutunguhan nito.
"You small woman, when did I became a KSP huh?" Bakas na ang pagkapikon sa boses ni Wyatt.
"Hindi mo pa alam? Matagal na. Kaya inaasar mo ako palagi dahil papansin ka. Kulang ka kasi sa pansin. Hindi na nakakapagtaka kung bakit mas paborito ako ni ate kaysa sa 'yo." Ani Wren. Tinutukoy ang nakakatandang kapatid na si Carol.
Wyatt tsked. "Favorite ka niya kasi alam niyang sa ating dalawa, ikaw ang palaging nauuto niya."
Hindi pa man nakakasagot si Wren nang pumagitna ang kanilang referee. "Ipagpatuloy niyo lang 'yang ginagawa niyo, sagarin niyo ang pasensya ko, 'wag kayong tumigil..." Malumanay na sabi ni Gianna pero mababakasan ng babala. Natahimik naman ang dalawa at hindi na nagsalita pa.
Ilang minuto kaming nanatili sa feild hanggang sa mapagdesisyunan naming lisanin ang lugar dahil ilang minuto na lamang ay magsisimula na ang klase namin.
"Minsan talaga pakiramdam ko ako na ang pinaka magandang tao sa mundo dahil sa rami ng magagandang papuri na naririnig ko sa paligid." May pagmamayabang na wika ni Wren habang naglalakad kami.
"Tsk. Feeler." Ani Wyatt. Sadyang pinalakas para marinig ng kakambal na todo ngiti sa mga students na nakakasalubong namin.
"Pinaparinigan mo ba ako ha Wyatt?" Mataray na tanong ni Wren sa kakambal.
"Hindi ba halata?"
"'Tong lalaking 'to, wala talagang respeto."
Hindi ko na pinansin pa ang pagbabangayan na naman nila. Itinuon ko na lang ang buong pansin ko sa daan.
My heart skips a beat when I see Logan. Naka-lab gown siya at may stethoscope na nakasabit sa kaniyang leeg. Kung maayos lang sana ang buhok niya't hindi makapal ang grado ng salamin niya ay talagang babagay sa kaniya ang suot niya.
At dahil siya si Logan Griffin, hindi na bago sa akin ang mapangkutyang bulungan sa paligid. I sighed. These college students are so judgementals and childish.
Kalmado ang mukha ko nang magtama ang aming mga mata pero ang puso ko ay hindi ko maintindihan kung bakit sobrang bilis ng tibok. Ikinuyom ko ang mga kamao kong nasa loob ng bulsa ng coat ko dahil sa nakakabinging tibok ng puso ko.
Pasimple kong binangga nang mahina ang balikat niya nang magkasalubong kami na isa sa malaking pagkakamaling ginawa ko dahil pakiramdam ko ay para akong nakuryente at mas lalo pang lumakas ang kabog ng dibdib ko.
I gritted my teeth. Oh heart, stop beating that fast. Calm down please, salm down. Paulit-ulit akong napamura sa isip nang wala man lang nagbago. Nanatili ang lakas ng tibok ng puso ko hanggang sa makapasok kami sa classroom namin.
![](https://img.wattpad.com/cover/200171053-288-k262082.jpg)
BINABASA MO ANG
The Emotionless Cold Nerd (Completed)
General FictionEveryone admire, respect, and fear Savannah Hernandez. She's not the type of person to be humble when she's hurt. She also never let anyone to dictate her because she has her own decisions in everything she does.But, when it comes to Logan Griffin...