Chapter 30

2.4K 87 4
                                        


SAVANNAH's POV


Nagising akong pakiramdam ko ay parang binibiyak ang ulo ko dahil sa matinding sakit.

"Shit! Ang sakit."

Sumasakit man ang ulo ay pinilit ko pa rin ang sariling bumangon mula sa pagkakahiga sa kama. Pipikit pikit ang mga matang naglakad ako patungo sa banyo habang hinihilot ang sentido.

Binuksan ko ang pinto ng banyo pero ang bumungad sa akin ay napakaraming damit. Kinusot kusot ko ang mga mata saka tinalikuran ang walk in closet. Nagtataka.

Sa pagkakatanda ko, sa right nakalagay ang walk in closet ko. Nagkibit balikat na lang ako. Marahil ay inaantok pa ako kaya ang akala kong pinto ng banyo ay pinto pala ng closet.

Tinungo ko ang isa pang pinto saka iyon binuksan. Nagtaka ako nang mapansing halos lahat ng kagamitan sa loob ng banyo ng kuwarto ko ay kulay puti.

Sa pagkakatanda ko, kulay gold ang halos lahat ng kagamitan sa loob ng banyo ko. Marahil pinalitan ko lang. Hindi ko lang siguro maalala.

Mabagal ang lakad na tinungo ko ang sink saka kinuha ang face soap na nakalagay sa puting lalagyan. Naghilamos muna ako ng tubig bago sinabon ang mukha ko.

Kumunot na naman ang noo ko nang maamoy na amoy panlalaki ang ginagamit kong sabon ngunit imbis na pansinin ang kakaibang amoy ng sabon ay ipinagpatuloy ko na lang ang pagsabon sa mukha ko bago naghilamos ng tubig.

Kahit nakapaghilamos na ako ay inaantok pa rin ako. Tamad kong kinuha ang toothbrush ko. Nagtaka ako nang mapansin kulay puti iyon tapos ay basa pa. Nakamot ko ang sentido ko. Kailan pa naging kulay puti ang kulay gold kong sepilyo?

Marahil ay pinalitan ko lang ang mga kulay ng mga kagamitan ko sa banyo. Hindi ko lang siguro maalala.
Sa isip-isip ko.

Nagtataka man kung bakit basa ang toothbrush ko ay nilagyan ko pa rin iyon ng toothpaste. Dinamihan ko talaga ang paglalalgay ng toothpaste doon dahil ganoon ako magtoothbrush.

Tamad kong binrush ang ngipin ko. Mabagal at nababagot. Tinignan ko sa salamin ang noo ko. Bago na ang benda niyon. Tinignan ko ang sugat ko sa kanang braso na ginagamit ko ngayon para malinis ang mga ngipin ko. Bago na rin ang benda niyon.

Nagtaka ako. Akala ko ba hindi ko pa napapalitan ang benda ng mga sugat ko? Dali-dali kong tinapos ang paninipilyo at kahit na hindi ko gusto ang amoy ng suot ko ay lumabas pa rin ako ng banyo.

Pagkalabas ay agad kong ipinalibot ang tingin sa kabuuan ng kuwarto. Unti-unti ay nanlalaki ang mga mata ko dahil sa matinding gulat. Napalingon ako sa banyo na pinanggalingan ko.

"I... ibing sabihin... hindi sa akin 'yong toothbrush? What the hell..."

muli kong ipinalibot ang tingin sa kabuuan ng silid tapos ay inalala ang nagdaang gabi. Ang huli kong natatandaan ay noong bigla na lang akong nawalan ng malay sa entrance ng CR kung saan kaharap ko si Logan. Tapos... tapos...

Natigil ako sa pag-iisip nang bumukas ang pinto ng silid. Nabaling ang tingin ko roon. Napakurap kurap ako nang magtama ang mga mata namin ni Logan. Oh my god... 'wag mo sabihing nasa kuwarto niya ako?

bumaba ang tingin ko sa suot ko. 'Yon pa rin ang suot ko noong nagdaang gabi. Unti-unting umangat ang kamay ko habang nakaturo sa kaniya. Shock ang mababakas sa mukha ko pero ang mukha niya, kalmado lang at walang emosyon.

"Y-you. T-tell me where am I." Kinakabahang sabi ko. Kumurap siya ng isang beses, lumunok saka kalmadong namulsa. Dahan-dahan ay ihinakbang nito ang mga paa palapit sa akin. "Hey! Diyan ka lang!" Pigil ko sa kaniya pero hindi ito nakinig. Patuloy lang ito sa mabagal na paghakbang palapit sa akin. "H-hoy! Sabi ng diyan ka lang!" Kinakabahang sigaw ko pero gaya kanina ay patuloy lang din ito sa paglalakad.

Dahil malapit na siya sa akin ay unti-unti ko na ring ihinakbang ang mga paa paatras."Isa, kapag lumapit ka talaga sa akin ay tatamaan ka na." Pagbabanta ko pero wala man lang iyong naging epekto sa kaniya. Damn!

Sunod-sunod akong napalunok nang dumikit ang likod ko sa malamig na pader. Akmang aalis pa lang sana ako sa kinatatayuan ngunit mabilisan niyang ihinakbang ang mga paa at sa isang iglap lang ay na-corner na niya ako. Igagalaw ko pa lang ang mga paa ko para makaalis sa pagkaka-corner niya sa akin nang malamig siyang magsalita.

"Don't move." Pero hindi ako nakinig. Sinubukan kong ihakbang ang paa ko para makaalis ngunit mabilis niyang inapakan ang mga iyon. Ang mga kamay kong akmang sasapak sa kaniya ay bigla na lang niyang hinuli at ipininid iyon sa taas ng ulo ko. "Look at me." Malamig niyang utos pero hindi ko siya sinunod. Hindi ko yata kayang salubungin ang mga tingin niya dahil sa nakakabinging tibok ng puso ko. Ramdam niya rin siguro ang panlalamig ng kamay ko dahil hawak hawak niya ang mga iyon.

Lihim kong nilunok ang sarili kong laway. Hindi alam ang gagawin. Ang mabango niyang amoy na nanunuot sa ilong ko ay nakakawala sa tamang pag-iisip. Shit! What to do? What to do?

"L-let g-go of m-me." Kinakabahang sabi ko. Nauutal at hindi pa rin kayang salubungin ang kaniyang mga mata.

"I said look at me." Mariin niyang sabi. May bahid ng pagbabanta ang kaniyang boses. Bigla tuloy akong nakaramdam ng takot.

Napipilitang nag-angat ako ng tingin sa kaniya. "Oh! Ayan n--" hindi ko natapos ang sasabihin nang bigla na lang niya akong halikan. Nahugot ko ang hininga ko. Pakiramdam ko ay huminto sa pagtibok ang puso ko at ang mundo ko ay parang huminto rin sa pag-ikot. Gulat na gulat at hindi makapaniwala.

The Emotionless Cold Nerd (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon