Nagising ako dahil sa kung anong mainit na tumatama sa mukha ko. Marahan kong iminulat ang mga mata at ang unang bumungad sa akin ay ang guwapong mukha ni Logan. Nakatagilid siya ng higa paharap sa akin habang nakayakap ang isa niyang braso sa baywang ko.
Hinalikan ko siya sa noo bago marahang tinanggal ang braso niya sa baywang ko. Nang tuluyan ko iyon maialis ay dahan-dahan akong bumangon saka maingat na umalis sa kama at walang ingay na naglakad palayo. Hangga't maaari ay ayaw ko siyang gisingin. Mukhang ang sarap pa kasi ng tulog niya.
Marahan kong binuksan ang pinto ng banyo saka pumasok doon. Pagpasok ko ay marahan ko rin iyong isinara saka ni-lock.
Tinungo ko ang lababo para magsepilyo. Habang abala ay pumasok sa isipan ko ang nangyaring pagbisita sa amin ng mga tauhan ng ama ni Logan.
Nagbuntong hininga ako. Dahil sa akin ay naging magulo ang maayos na sana niyang buhay. Pero hindi ko alam kung bakit hindi ako makaramdam ng pagsisi.
Maybe because I am selfish?
Iwinaksi ko ang nasa isip. Mabilis kong tinapos ang ginagawa saka naghilamos at naligo.
Makalipas ang maraming mga minuto ay tapos na rin ako. Nakaroba lang na lumabas ako ng banyo habang ang ulo ko ay nababalot ng tuwalya.
Tinapunan ko ng tingin si Logan. Malalim na malalim pa rin ang pagtulog nito. Nilapitan ko ang bintana at isinara ang kurtina niyon bago pumasok sa closet at nagpalit ng pambahay na damit.
Nang makalabas ay ibinalik ko ang tuwalya sa banyo bago ayusan ang sarili. Habang nagpapatuyo ng buhok ay hindi ko maiwasang mapasimangot nang maramdaman ko ang pagkalam ng tiyan ko. Nabaling ang tingin ko sa wrist watch kong nakapatong sa tabi lang ng salamin. Alas onse na pala ng umaga. Kaya pala nagugutom na ako.
Mabilisan kong tinapos ang pag-aayos ng sarili. Tumayo sa harap ng malaking salamin bago kinuha ang wallet ko na nakapatong sa bedside table saka lumabas ng kuwarto.
Inilabas ko mula sa wallet ko ang susi ng sasakyan ko. Pinapaikot iyon sa daliri ko habang ihinahakbang ang mga paa pababa ng hagdanan dire-diretso palabas at marahan na isinara ang pinto't naglakad sa tahimik na hallway.
Habang naglalakad ay hindi ko maiwasang mapaisip. Paano kaya natunton ng ama ni Logan ang condo unit ko noon gayong alam ko sa sarili kong wala namang nakasunod sa akin. Malakas ang pakiramdam ko at marunong makaramdam ng kakaiba sa paligid. Paano nangyari 'yon? Di kaya nagtanong tanong or what? Or maybe he knew through Logan?
Tumango tango ako. Baka nga.
Ngunit nagtataka pa rin ako kung paanong nagkaroon ako ng tracking device kagabi? Alangan namang may magbato niyon eh bago pa siguro didikit iyon sa damit ko ay nasalo ko na. Hindi naman iyon bala ng baril na mahirap saluhin. Tang*na. Sumasakit ang ulo ko kakaisip. Ang daming tanong sa utak ko na hindi ko masagot.
Nang marating ang elevator at makapasok ay nagpahatid ako sa ground floor. Nasa 5th floor palang ako nang magbukas ang elevator. Pumasok ang isang babae at isang lalaki saka pumwesto ang mga ito likuran ko.
Wala ang mga itong imik pero ramdam ko ang kakaibang kilos nila. Inalerto ko ang sarili at hinintay ang kanilang pag-atake.
Mabilis akong yumuko nang makaramdam ng matalim na bagay na paparating sa direksiyon ko. Umalis ako sa kinatatayuan ko kanina nang makita ko sa metal na pader ng elevator ang pag-angat ng isang katana na mukhang ipapatama iyon sa ulo ko.
Muling naging mabilis ang pagkilos ko at iniwasan ang sipa ng babaeng siyang may hawak ng katana. Mabilis akong humarap sa lalaki saka sinalag ang suntok nito at iniwasan naman ang napakatalim na katana ng babae.
BINABASA MO ANG
The Emotionless Cold Nerd (Completed)
Художественная прозаEveryone admires, respects, and fears Savannah Hernandez. In the eyes of other people, she's a beautiful heiress from a well known family. But in the eyes of her friends, she's a cold hearted assassin who'll kill without a second thought. She's not...
