Chapter 93

1.4K 48 3
                                    

SAVANNAH's POV

Kinabukasan nagising ako dahil sa magkakasunod na katok na nagmumula sa pinto ng kuwarto ko. F*ck that person! My god! Sabado ngayon at walang klase! Ano ba ang trip ng tang*nang pesteng 'to!

Nababagot na bumangon ako at bumaba ng kama at nagtungong pinto at inis na binuksan iyon. Saktong ang bumungad sa akin ay si Johnny na ipinagtaka ko.

Tatanungin ko pa lang sana siya nang mabilis na takpan niya ang bibig ko kasunod niyon ay ang dilim ng paningin ko.










WREN's POV

"Johnny, okay na?" Tanong ko. Tinutukoy ang ipinagawa ko sa kaniya.

"Opo Miss Wren."

Napangiti ako. "Salamat." Sabi ko at pinatay na ang tawag.

Plano ni Logan lahat ng ito. Na hindi ipaalam kay Savannah na ngayon ang araw ng kasal niya at dahil alam kong magkakaroon siya ng idea kung ano ang nangyayari 'pag binihisan na namin siya ay inutusan ko si Johnny na patulugin siya.

"Ikakasal na si Savannah, single ka pa rin." Pagpaparinig ni Wyatt na katabi ko.

"Sus... eh ikakasal na nga si Logan busted ka pa rin." Sa sinabi kong 'yon ay malakas na nagsipagtawanan ang mga kasamahan ko. Syempre ako ang may pinakamalakas na tawa. Tawang puno ng pang-iinsulto.

Natigil ako sa pagtawa nang malakas akong itulak ni Wyatt mula sa kinauupuan ko at muntik pa akong mahulog kung hindi ko lang nabalanse ang sarili.

Inis na umayos ako ng upo at malakas din siyang itinulak ngunit dahil naging handa ito ay hindi ako nagtagumpay na ihulog siya mula sa kinauupuan niya. Kaya sa inis ay malakas ko siyang sinuntok sa braso at dahil siya si Wyatt ay malamang sa malamang ay gaganti talaga siya. Sinuntok niya ako pabalik sa braso at ang sakit niyon.

Sinuntok ko uli siya. Muli na naman niya akong sinuntok kaya agad akong gumanti hanggang sa pareho na kaming naggagantihan at natigil lang nang makarinig kami ng tikhim. Pareho kaming napatingin doon at napalunok nang makita kung gaano katalim at kasama ang tinging ipinupukol ni Gianna sa amin habang hinihiwa ang steak gamit ang kutsilyo at sa paraan ng paghiwa niya niyon ay parang kami 'yon na gusto kaming hiwain din nang ganoon. Agad na napatigil kami sa pag-aaway at umayos ng upo at muling ipinagpatuloy ang pagkain.

Kukunin ko na sana ang huling egg sa pinggan nang sakto namang hawak iyon ni Wyatt. Naghilahan kami ni Wyatt ng plato. Malakas ko 'yong hinila. Hinila naman niya pabalik ang plato.

"Ako ang nauna kaya ibigay mo na 'to sa akin." Sabi ko at malakas na hinila ang plato.

"Hindi! Ako ang nauma kaya sa akin mo dapat 'yan ibigay!" Malakas namang hinila niya ang plato. Walang balak na magpatalo.

Malakas kong hinila pabalik ang pinggan. Hinila na naman niya uli pabalik ang pinggan hanggang sa sabay na kaming naghihilahan at halos mahulog ang puso ko sa gulat nang bigla na lang niyang bitawan ang plato kaya nahulog ako mula sa kinauupuan ko.

Sa inis ay hindi ko na pinansinn ang plato. Inilapag ko 'yon sa lamesa at nakipagsukatan ng tingin sa kaniya. "Sumusobra ka na ah."

"Sumusobra ka na rin. Kahapon ka pa eh."

Parehong nagtagis ang mga panga naming dalawa at magsusuguran na sana nang may tumayo sa gilid namin. Pareho naming tiningala iyon. Si Rita lang pala na may prinitong itlog sa ulo at madilim ang mukhang nakatingin sa aming magkambal. Halos sabay lang kaming napalunok ni Wyatt.

Tatakas na sana kami nang mabilis na hinawakan niya kami sa mga buhok at mabilis at malakas na pinagtama ang ulo namin ni Wyatt.

Nang bitawan niya kami ay pareho naming nasapo ni Wyatt ang mga noo dahil sa sobrang sakit ng pag-untog ng ulo namin sa isa't isa.

The Emotionless Cold Nerd (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon