Nagising akong tinatamad at inaantok pa. Gusto ko pang matulog dahil hinihila pa ako ng kama ko pero anong magagawa ko? May klase ngayon at sa ayaw ko man o sa hindi ay kailangan kong pumasok. Mananagot na nga ako kay lolo, magkakaabsent pa ako.
Tinatamad na bumangon ako saka dumiretsong banyo para maligo. Nagtoothbrush , nagsabon, nagshampoo saka nagbanlaw.
Makalipas ang ilang mga minuto ay tapos na rin ako. Kinukusot ko ang basang buhok ko gamit ang tuwalya habang naglalakad palabas ng banyo tapos ay dumiretso nang closet ko para makapagpalit na.
Nagsuot ako ng simpleng blouse na kulay puti saka blue na denim jeans. Pinarisan ko 'yon ng simpleng rubber shoes na kulay puti rin.
Matapos magpalit ay tinungo ko naman ang salamin. Medyo tuyo na ang buhok ko kaya ginamitan ko na ng hair dryer para tuluyan na iyong matuyo.
Naglagay ako ng pulbo sa mukha at kaunting lipstict sa labi para hindi ako magmukhang namumutla.
Few minutes later, tapos na rin ako. Umikot ako sa harap ng salamin para suriin ang sarili kung bagay ba sa akin ang suot ko at napangiti ako nang bumagay nga ang mga iyon sa 'kin.
"Ang ganda mo talaga Savannah." Nakangiting puri ko sa sarili.
Nakangiting kinuha ko ang ang ko sa pinagsusukbitan ko niyon saka hinablot ang susi at cellphone ko sa ibabaw ng bedside table.
Magaan ang pakiramdam na lumabas ako ng kuwarto dire-diretso pababa ng hagdanan. Papasok pa na sana ako sa kusina nang maalalang hindi pala ako marunong magluto kaya dumiretso nalang ako palabas ng condo. Sa cafeteria na lang ako mag-aagahan.
Lulukso lukso akong tinungo ang elevator. Napapatingin sa akin ang ilan sa mga nakakasalubong kong kapit bahay ko dahil nginingitian ko ang mga ito't binabati pa sila. Iniisip siguro nilang sinasapian ako dahil hindi naman ako ganito sa kanila.
Pinindot ko ang button sa gilid ng elevator saka hinintay ang pagbukas niyon. Nang bumukas ang elevator ay agad din akong pumasok sa loob at pinindot ang ground floor.
Ano kaya ang meron at ang saya saya ko ngayon gayong kanina lang ay tinatamad akong pumasok? Nagkibit balikat ako't isinawalang bahala na lang ang kakaibang ikinikilos ng katawan ko. Marahil ay sadyang magaan lang talaga ang pakiramdam ko ngayon.
Nang bumukas ang elevator ay lulukso lukso rin akong tinungo ang sasakyan ko. Minsan ay iikot dahil sa labis na kasiyahan.
In-unlock ko ang sasakyan saka pumasok. Agad ko ring pinaandar ang makina niyon at nagmaneho paalis.
Makalipas ang ilang mga minuto ay narating ko na rin ang unibersidad. Dahan-dahan kong ipinarada ang sasakyan sa space na nakita ko. Nang masiguradong okay na ay agad din akong lumabas.
Inilagay ko sa bag ko ang cellphone at susi ng sasakyan ko habang naglalakad papasok ng gate. Hindi pa ako tuluyang nakakapasok nang marinig ko ang boses ni Gianna.
"Sav! Wait!" Tawag at pigil niya sa akin.
Nilingon ko siya. Tumatakbo siya palapit sa akin. Malapad ang kaniyang ngiti at nang tuluyan na siyang makalapit ay kinurot niya ako sa tagilirin. Napangiwi pa ako sa sakit.
"Ang haba talaga ng buhok mo." Ngingiti-ngiting aniya." May good news sa akin si Wren dahil nauna siyang pumasok at dalian na natin dahil excited na akong makita ang pagbabago niya." Excited niyang sabi. Halos tumili na rin dahil sa excitement na nararamdaman. Ako naman itong kinakausap, nagtataka at naguguluhan sa mga ikinikilos niya.
"Sinong siya?" Nagtatakang tanong ko.
Hindi niya ako sinagot at basta na lang niya akong hinila papasok ng gate. Naguguluhang nagpatangay na lang ako sa kaniya. Pasasaan ba't malalaman ko rin kung sino ang tinutukoy niya.
Malayo pa lang kami ay natatanaw ko na mula sa kinatatayuan ko ang kumpulan ng mga estudyante. Ano na naman 'to? Sinuway ba nila ang utos ko? Mga pasaway. Patay kayo sa akin ngayon.
Malalaki ang hakbang na naglakad ako palapit sa kanila. Wala akong pakialam kay Gianna na nagpapahintay. Mga estudyanteng ito, sinabi nang wala nang mambubully ginagawa pa rin nila.
Ngunit, habang papalapit ako ng papalapit ay unti-unti ring bumabagal ang paglalakad ko dahil iba ang naririnig kong nanggagaling sa kumpulan ng mga mag-aaral. Ang iba ay nagtitili na parang kinikilig at ang iba naman ay parang manghang mangha base na rin sa mga boses ng mga ito.
"Ano ang mayroon sa kumpulan?" Tanong ko sa sarili. Wala naman sigurong nambubully na nagtitili na parang kilig na kilig?
Muli kong binilisan ang paglalakad at halos takbuhin ko na ang pagitan ng nilalakad ko at ang kumpulan ng mga estudyante.
"Oh my god, ang guwapo niya pala."
"Ganiyan pala siya kapag nag-ayos? Grabe, halos hindi na siya makilala sa porma niya ngayon."
"Ito na 'yong binubully ng lahat noon 'di ba?"
"Hindi ako makapaniwalang ganiyan siya kaguwapo!"
Rinig kong bulungan na nagmumula sa kumpulan ng mga estudyante.
"Ano ang nangyayari?" Tanong ko nang makarating ako. Lumingon sa akin ang mga nakarinig.
"Miss Hernandez." Anang babae nang makita ako. Yumuko ito bilang pagbibigay galang. Ganoon din ang ginaw ng iba.
"Anong meron sa gitna?" Muli kong tanong.
Agad na umayos ng tayo ang mga estudyante't sinenyasan ang ibang gumilid. Agad naman ang mga itong sumunod nang malamang nasa likuran lang pala nila ako. At sa isang iglap, nahawi sila upang bigyan ako ng daan.
Sa dulo ng kumpulan, naroon si Wren. Nakaharap sa akin at nakangisi tapos ay bigla siyang umalis sa puwesto niya dahilan para tuluyan kong makita kung sino ang nasa gitna ng kumpulan. Nakatayo ang lalaki't nakatalikod sa akin kaya hindi ko siya makilala. Nakasuot siya ng maroon na polo at itim na jeans. Maayos ang pagkakasuklay ng blonde niyang buhok na sa tingin ko ay bagay na bagay sa kaniya.
Unti-unting bumibilis ang pagtibok ng puso ko habang nakatingin sa kaniyang likuran. That back, that hair, they are... familiar to me.
"Wh-who are you?" Tanong ko. Nanlalamig ang mga kamay dahil sa matinding kaba.
Dahan-dahan siyang lumingon sa akin. Parang huminto ang mundo ko nang tuluyan na siyang makaharap. Walang emosyon ang kaniyang mukha ngunit hindi rin nagtagal ay gumuhit ang isang simpleng ngiti sa mga labi niya na nakadagdag ng karismang taglay niya. What the...
"Hey." Bati niya sa akin ngunit hindi ako nakapagsalita. Hindi ko alam kung paano siya tugunin. Parang bigla-bigla ay parang hindi ko maigalaw ang dila ko. Para akong statue habang titig na titig sa kaniyang napakaguwapong mukha. God... he's so handsome.
"L-Logan.." bigkas ko sa pangalan niya.
Nakangiti siyang lumapit sa akin saka dumukwang at hinalikan ako sa kanan kong pisngi na ikinagulat ko. Nabalik ako sa realidad at malakas siyang sinapak ngunit mabilis naman niyang sinalo ang kamao ko at ngumisi.
"Am I that handsome mein sonnenschein?"
BINABASA MO ANG
The Emotionless Cold Nerd (Completed)
General FictionEveryone admires, respects, and fears Savannah Hernandez. In the eyes of other people, she's a beautiful heiress from a well known family. But in the eyes of her friends, she's a cold hearted assassin who'll kill without a second thought. She's not...
