Chapter 7

3K 85 3
                                    

"We heard what happened in your condo. Jett told us." Wika ni Wren habang nanananghalian kami rito sa cafeteria.

"Ah, 'yon ba? Wala 'yon."

Tinaasan niya ako ng kilay. "Wala? Paano kung may nangyaring masama sa 'yo ha? Sabi na kasing magpalagay ka ng bantay sa condo mo eh. May nalalaman pa kasing pacondo condo eh ang laki naman ng bahay--"

Hindi niya natapos ang iba pang sasabihin nang batukan siya ni Wyatt. "Nagdadaldal ka na naman. 'Wag masyadong OA, you know Sav, she don't need a guard. She can protect herself." Masungit na sabi ni Wyatt sa kakambal na ang sama na agad ng mukha.

"I know. Nag-aalala lang naman ako. Hindi naman ako kagaya mong walang puso. At wala kang karapatang batukan ako! Mas matanda pa ako sa 'yo!"

"Mas matanda ka lang sa akin ng ilang minuto pero magkaedad lang tayo!"

"'Wag mo akong sinasagot sagot ng ganiyang Wyatt!" Galit na galit na sabi ni Wren na may kasamang pagbabanta.

"Talk to my ass."

Mas lalong nalukot ang mukha ni Wren sa sinabing iyon ni Wyatt. "How dare you!"

Akmang magsusuntukan na ang dalawa nang pumagitna ang usual nilang tagasaway. "Sige, magsuntukan kayo sa harap ko. Sige lang." May diin ngunit may halong pagbabantang sabi ni Gianna. "Sige lang... ubusin niyo pasensya ko..." natahimik ang dalawa. "Eat." Isang salita lang iyon pero napasunod niyon ang kambal.

Napipilitang sumunod ang dalawa pero ang talim ng tingin sa isa't isa ay naroon pa rin. Napabuntong hininga na lang kaming tatlo nang magsikuan sila habang nagsusukatan ng tingin tapos ay nagbangayan na naman. Sinenyasan ko sina Ryder at Gianna na bilisan ang pagkain at iwan ang dalawa. Sinunod naman nila ako.

Matapos kumain ay agad din kaming tumayo at iniwan ang dalawa na patuloy sa pagbabangayan.

"Sila lang yata ang nakilala kong kambal na wala nang ibang ginawa kung hindi ang mag-away nang mag-away." Naiiling na ani Gianna na nasa unahan. Kasabay nitong naglalakad palabas si Ryder na nakaheadphone at wala na namang pakialam sa paligid as usual.

"At least hindi naman malala ang ginagawa nila sa isa't isa." Sabi ko.

"Yeah. But still it pissed me." Kahit hindi ko nakikita ang mukha niya ay alam kong bakas ang inis doon.

Hindi na ako muling nagsalita pa. Tahimik lang akong sumusunod sa kanila na tinatahak ang daan patungong library.

Pagpasok pa lang namin ay agad na binati kami ng Librarian. Tango lang ang isinagot ko. Si Gianna naman ay magiliw na kinamusta ito. Samantalang si Ryder ay diretso lang ang lakad na para bang hindi nakita ang ginang.

Kumuha siya ng isang libro sa nadaanan na book shelf bago nagtungo sa bakanteng pahabang lamesa.

Ako naman ay kumuha ng nobela bago naupo sa harap ni Ryder na binubuklat sa kung saang pahina ang hawak na libro at nang magsawa ay patagilid na ihiniga ang ulo sa lamesa at ang librong binuklat ay itinakip sa mukha.

"Matutulog na naman." Naiiling na sabi Gianna na naupo sa tabi ko.

Hindi na lang ako umimik at sinimulan kong basahin ang librong hawak. Mag-iilang minuto pa lang kami sa pwesto namin nang may pabagsak na umupo, mga anim na upuan ang layo mula sa pwesto ko. Hindi pala umupo kundi pabagsak itong pinaupo ng dalawang siga.

"Ngayon, gawin mo na ang assignment namin. Kailangan tama ang lahat ng sagot niyan maliwanag?" Maangas na sabi ng lalaking estudyante sabay lapag ng libro at papel sa harap ni Logan. Nang hindi ito sumunod ay binantaan siya ng lalaki. "Kapag hindi mo sinagot 'yan, susunugin namin lahat ng mga gamit mo sa locker mo." Pagbabanta nito pero hindi pa rin gumalaw si Logan.

The Emotionless Cold Nerd (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon