Chapter 46

2.1K 57 1
                                    

Lumipas ang halos isang linggo, wala nang Logan na nagpakita  at sa mga araw na 'yon ay para akong nawawala sa sarili. Hindi ko alam kung bakit hinahanap hanap ko ang presensya niya.

At dahil walang klase ngayon, napagdesisyunan ko munang mamasyal pero maneho lang ako nang maneho na para bang wala nang katapusan. Sobrang bigat din ng dibdib ko. Pakiramdam ko ay para siyang dumaan lang sa buhay ko upang pasayahin ako pero mawawala rin agad paglipas ng maikling panahon.

Sa kakamaneho ko ay huminto ang sasakyan ko sa isang park. At dahil nga weekend ay maraming tao ang naroon.

Nabaling ang tingin ko sa lalaking dumaan malapit sa sasakyan ko na kaparehong kapareho ng likod ni Logan. Pareho rin sila ng height.

Dahil sa pag-aakalang siya iyon ay agad akong bumaba ng sasakyan at hinabol ang lalaki. Bigla ay nakaramdam ako ng kaligayahan at umaasang sana ay tama ang hinala ko.

"Logan!" Tawag ko sa lalaki pero hindi man lang ito lumingon. "Logan!" Muli kong tawag sa lalaki. Pero imbis na siya ang lumingon ay ang mga nasa paligid ang lumingon. At dahil mukhang hindi naman niya ako naririnig ay mabilis kong tinakbo ang pagitan namin. Hinawakan ko siya braso nang sa wakas ay maabutan ko siya.

"Kanina pa kita tinatawag." Sabi ng hinihingal.

Biglang humarap ang lalaki na ikinabagsak ng mga balikat ko. "Magkakilala ba tayo?" Tanong nito.

Nahihiyang binitawan ko ang braso niya. Ang kaninang sayang naramdaman ko ay bigla na lang naglaho."S-sorry. Akala ko k-kasi i-ikaw siya."

Ngumiti ang lalaki. "Okay lang." 

Muli pa akong humingi ng paumanhin bago siya talikuran at bumalik sa sasakyan ko.

Akmang sasakay palang sana ako nang lumampas ang tingin ko sa isang lalaking hinahabol ang lalaking may dalang plastic ng basura. Sa tingin ko ay naglilinis sa lugar.

"Teka lang sir!" Tawag ng lalaking sa tingin ko ay kasing edad lang ng aking ama. Lumingon naman ang lalaking tinawag. Mabilis na lumapit ang lalaking humahabol dito. "Yung juice po sa anak ko po 'yan." Sabi ng lalaki sa mamang naglilinis sa park. Ang tinutukoy nito ay ang noon ko lang napansin na isang plastic bag na bitbit ng mamang naglilinis ng park at ang laman niyon ay dalawang bote na may lamang sa tingin ko ay mango juice.

Nagtaka ang tinawag tapos ay tumingin sa dala nitong plastic bag. Nahihiyang ngumiti ang lalaking may dalang plastic bag at ang ngiting iyon ay para bang napakaganda sa paningin ko.

"Sorry po. Akala ko kasi bigay nung bata eh." Nahihiyang sabi ng mama at ibinalik sa lalaki ang plastic bag na hawak habang naroon pa rin ang nahihiya nitong ngiti.

Nang umalis na ang lalaking pinagbigyan ng plastic bag ay nahihiyang naglakad palayo ang mama at muling ipinagpatuloy ang pamumulot ng basura sa lugar at idinidiposito iyon sa itim na trash bag.

Inilabas ko ang pitaka ko at lumapit sa babaeng nagtitinda ng juice at iba pang pang miryenda.

"Ate magkano po?" Tanong ko. Tinutukoy ang paninda nitong Juice.

"Limang piso lang hija."

Bumaba ang tingin ko sa hawak na pera. Isang libo iyon at kung ikukumpara ko ang halaga ng juice na ito sa juice sa Cafeteria sa university ay isang daan na yata ang pinakamura.

"Ito pong bananacue magkano?"

"Sampong piso hija." Nakangiting sagot ng ginang.

Sa tanang buhay ko, ngayon lang ako nakabili ng street food at nagugulat ako na nagtataka kung bakit ang mumura.

The Emotionless Cold Nerd (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon