"Ayan, tapos na." Ani Logan nang malagyan ng bandaid ang noo ko.
Hinugot ko ang cellphone sa bag ko at tinignan ang noo ko. Tapos na nga. Magpapasalamat pa lang sana ako nang ayusin niya ang kaniyang mga gamit saka walang paalam na umalis. Nice.
Tumayo na rin ako at nilapitan ang mga nurse na ngayon ay nakangiti sa akin. Seryoso ang mukhang tumayo ako sa harap nila.
"Ayokong kumalat ang mga nakita niyo kanina. Kapag marinig ko 'yon sa iba, magtago na kayo." Banta ko sa kanila.
"Masusunod Miss Hernandez." anang isang nurse.
Hindi na ako nagsalita pa't lumabas na ng clinic. Dahil oras ng klase sa pangatlong subject namin ay naglibot libot muna ako. Hindi naman ako pweding pumasok dahil alam kong hindi rin ako papasukin ni Mrs.Silvia.
Sa kakalakad ko ay dinala ako ng mga paa ko sa likod ng gusali ng department namin.
Mabilis akong nagtago nang may makita akong dalawang estudyante na tumalon mula sa tuktok ng bakod papasok ng school. Saan naman kaya galing ang mga 'to?
Pasimple kong sinilip ang dalawa. Naglalakad na ang mga ito patungo sa direksiyon ko. Muli kong itinago ang sarili sa pader. Inayos ang pakakatayo at pagkakasandal ng likod sa malamig na semento saka naglabas ng dalawang bubble gum. Binalatan ang mga iyon, sinubo saka nginuya nguya.
Pinagkrus ko ang mga braso ko sa harap ng dibdib ko habang hinihintay na dumaan ang mga pasaway na estudyante.
Makalipas ang ilang sandali ay naririnig ko na ang kanilang malakas na tawanan. Nagyayabangan. Pinalobo ko ang bubble gum saka iniangat ang paa dahilan para bumagsak ang isang lalaking estudyante sa bermuda grass. Sa gulat ng kasama niya ay dali-dali itong kumaripas ng takbo palayo sa amin. Hinugot ko ang makapal na libro sa bag ko at malakas na binato ang lalaki sa ulo dahilan para diretsahang mapadapa ito sa sementadong daan.
Inapakan ko sa likod ang lalaking nasa tabi ko nang akmang tatayo ito.
"Ikaw! Bumalik ka rito!" Tawag ko sa lalaking binato ko ng libro na akmang tatakbo na naman sana palayo.
Dumudugo ang ilong nitong humarap sa akin. Takot na takot. Sinenyasan ko siyang lumapit na agad naman niyang ginawa. Ang lalaki namang inapakan ko sa likod ay pinakawalan ko at sinenyasang tumayo.
"Saan kayo galing?" Seryosong tanong ko nang maayos na ang mga itong nakatayo sa harap ko. Gaya ng palaging ginagawa ng iba, tumungo ang mga ito at takot na salubungan ang aking tingin. "Sagot." Mariing dagdag ko.
Nagsikuan ang mga ito na para bang sinasabing siya or siya ang magsasalita.
"Hindi naman siguro kayo galing sa trabaho dahil itsura niyo pa lang, halatang mga anak mayaman na." Seryosong sabi ko. Mas lalo ang mga itong hindi nakapagsalita. Nanginginig na rin sa takot. "Follow me." Dagdag ko nang mapansing wala namang balak magsalita ang ni isa kanila.
Nagsimula akong maglakad. Sumunod naman ang mga ito sa akin. Sinipa ko pataas ang libro ko nang madaanan iyon saka sinalo. Ipinasok ko iyon sa bag ko at muling ipinagpatuloy ang paglalakad.
Ilang minuto ang lumipas ay huminto ang nga paa ko sa harap ng pinto ng detention room. Kumatok ako ng tatlong beses sa pinto. Ilang sandali ang lumipas ay bumukas na rin iyon at bumungad sa akin si Jett na kumakain ng pop corn.
"Anong ginagawa mo rito?" Salubong ang kilay kong tanong. Niluwagan niya ang pinto at inginuso sa akin ang malaking flat TV screen kung saan nanonood si Rita habang kumakain din ng pop corn.
BINABASA MO ANG
The Emotionless Cold Nerd (Completed)
General FictionEveryone admires, respects, and fears Savannah Hernandez. In the eyes of other people, she's a beautiful heiress from a well known family. But in the eyes of her friends, she's a cold hearted assassin who'll kill without a second thought. She's not...
