LOGAN's POV
"Till tomorrow." Nakangiting paalam niya sabay kaway ng kamay saka binuksan ang pinto ng kaniyang condo.
"Where's my goodbye kiss?"
Inirapan niya ako. Tsk, ang sungit. "Tigilan mo nga ako. Puro ka na lang kiss." Masungit na sabi nito at akmang papasok na sana nang mala-hangin kong tinakbo ang pagitan namin at mabilis siyang hinalikan sa mga labi.
Alam kong natigilan ito dahil sa ginawa ko at nang makabawi ay malakas niya akong sinuntok sa balikat na ikinangiwi ko ngunit agad ding natawa nang makita ang salubong na salubong niyang mga kilay.
Agad akong yumuko nang sipain niya ako. Pagtayo ko ay mabilis ko ulit siyang hinalikan sa mga labi at tumakbo palayo.
"Buwiset ka!" Naiinis niyang sigaw.
Nangingiting hinarap ko siya't kinindatan. "I love you too!" Sigaw ko pabalik at nagmamadaling tinungo ang elevator.
Pagbukas ng elevator ay agad akong pumasok. Nakangising kumaway ako sa kaniya bago tuluyang magsara ang pinto ng elevator. Pinindot ko ang ground floor at naroon pa rin ang ngisi sa aking mga labi bago umayos ng tayo.
Nangingiting umiling-iling ako. That woman... the sunshine of my life.
Nang nasa 4th floor ako ay bumukas ang pinto ng elevator. Agad akong gumilid nang may pumasok na babae. Itsura pa lang nito ay masasabi ko nang pangit. Tsk. Tanging si Savannah lang ang maganda sa paningin ko. Lihim akong napangiti. My beautiful Savannah, miss na kita agad. Bahagya akong nailing sa naisip.
"Hi, I'm Jenny." Pakilala nito ngunit ni isang lingon ay hindi ko ginawa. Nanatiling nasa pinto ng elevator ang tingin ko't hindi pinapansin ang pagpapansin ng babaeng kulang na lamang ay maghubad na sa suot nitong damit. Kung si Savannah siguro ang magsuot ng ganiyan, mananagot siya sa akin. I cursed myself silently. Why would I have to compare her to this woman? They are different. Very different. "Hey? What's your name?" Tanong nitong tumayo pa sa harap ko.
Itinago ko lahat ng emosyon sa mukha ko't ihinakbang ang mga paa pakanan para iwasan siya ngunit mukhang mapilit ito't muling tumayo sa harap ko saka mapang-akit na ngumiti. Bahagya nitong ibinaba ang zipper ng suot na tube sa harap para ipakita sa akin ang cleavage niya ngunit malamig ko siyang tinignan na bahagya nitong ikinatigil ngunit muli lang din niyang ipinagpatuloy ang ginagawa.
"You're so hot and handsome. Wanna some hot play with me?" Tanong niya't malagkit akong nginitian ngunit imbis na pansinin ay itinuon ko na lamang ang tingin sa pinto ng elevator.
Dahil nasa harap ko siya ay kitang kita ko ang pag-angat ng kamay nito para sana ako hawakan sa balikat ngunit bago pa nito maidikit ang kamay sa akin ay malamig pa sa yelo akong nagsalita.
"Touch me and I will cut your hand."
Nang magbukas ang elevator sa ground floor ay nilampasan ko siya't tinungo ang sasakyan ko't pumasok sa loob. Binuhay ko ang makina ng sasakyan saka nagmaneho palabas ng ground floor ng gusali.
Habang nagmamaneho ay naglalakbay ang isip ko kung ano ang dapat kong gawin. She loves me but we're still not officially in a relationship.
Gumuhit ang ngiti sa mga labi ko nang may mapagtanto. 'You'll be mine mein sonnenschein.'
Nakangising iniliko ko ang sasakyan para tahakin ang daan patungong mall. Makalipas ang ilang minutong pagmamaneho sa wakas ay narating ko na rin ang mall.
Agad akong lumabas ng sasakyan at isinara ang pinto saka ni-lock iyon bago tinungo ang entrance ng mall.
Pagpasok ko ay noon ko naman naalalang hindi ko alam kung anong gusto't ayaw niya. Bahala na nga.
BINABASA MO ANG
The Emotionless Cold Nerd (Completed)
General FictionEveryone admires, respects, and fears Savannah Hernandez. In the eyes of other people, she's a beautiful heiress from a well known family. But in the eyes of her friends, she's a cold hearted assassin who'll kill without a second thought. She's not...
