SAVANNAH's POV
"Bakit ganiyan ang suot mo ha? Sinabi ko bang magsuot ka ng ganiyan?" Istriktong tanong ni Logan pagpasok na pagpasok namin sa room namin.
"Short lang ang sinabi mong 'wag kong suotin. Hindi mo naman sinabing bawal akong magsuot ng wsimsuit." Sa sinabi kong 'yon ay tumalim ang kaniyang tingin na ikinatikom ng bibig ko.
"Hayst. Ang tigas ng ulo."
"Malamang. May bungo." Pamimilosopo ko. Muling tumalim ang kaniyang tingin na muling nagpatikom sa bibig ko.
"Sorry." Dagdag ko nang nakangiti ng pilit. Tinatago ang kabang bumabalot sa puso ko dahil sa nakakatakot na ekspresyon ng kaniyang mukha.Sinuntok niya ang pader na ikinaigtad ko at nagpatindi sa kaba ko. Nagbuntong hininga siya saka ihinilamos sa mukha ang mga palad. "Alam mo bang dahil suot mo ay pinagpipyestahan ng mga lalaking naroon ang katawan mo ha?"
"Pinagpipyestahan daw. Bakit? Kinain ba nila ang katawan ko?"
Pinanlakihan niya ako ng mga mata. Nagpanggap naman akong kunwari'y ipinapalibot ang tingin sa kabuuan ng silid. Muli siyang nagbuntong hininga.
"'Wag ka na ulit maguoot ng ganiyan." Malumanay na niyang sabi.
"Ano ako tanga? Magsusuot ng damit nang hindi naka-underwear?"
Marahas niyang ginulo ang buhok at puno ng frustration na may halong panlulumo siyang tumingin sa akin. "Savannah?" Naiinis niyang banggit sa pangalan ko.
"What? Nagsasabi lang ako ng totoo." Inosenteng sabi ko.
"Umayos ka nga."
"Maayos naman ako ah."
Marahas siyang bumuga ng malakas na hangin. "Basta 'wag ka na ulit magsusuot ng ganiyan kung nasa mataong lugar ka."
Tinaasan ko siya ng kilay."Eh alangan namang magsuot ako ng jeans at t-shirt habang nagsu-surfing o naliligo sa dagat."
"Savannah?" Banggit na naman niya sa pangalan ko na may halong pagbabanta.
"Oh Logan, maging babae ka kaya nang malaman mo kung bakit kami nagsusuot ng ganito." Mabilis akong napaiwas ng tingin nang mapansin ang hindi maipinta niyang mukha.
"Stop arguing with me Savannah." Bakas ang pagkapikon sa kaniyang boses.
"Sorry na nga-- ouch." Sabi ko sabay daing at sinapo ang binti kong kinurot niya.
"Ikinayaman mo ba ang pagsusuot ng ganiyan ha?" Istriktong tanong niya.
"Hindi. Pero mas lalo nga lang akong gumanda--ouch!" Muli akong napadaing at nasapo ang kaliwang binti ko dahil may diin niya iyong kinurot.
"Magsusuot ka pa ulit niyan oh hindi na?" Pagpapapili niya.
"Magsusuot-- ouch! Ano ba!" Inis nang sabi ko dahil muli na naman niya akong kinurot sa binti ngunit agad ding napayuko nang makita kung gaano katalim at kasama ang tingin na ipinupukol niya sa akin.
"'Wag mo 'kong pinagloloko. Hindi ka nakakatuwa."
Nagbuntong hininga ako. Pinilit ang sariling salubungin ang tingin niya at may matamis na ngiti sa mga labing lumapit sa kaniya kahit ang totoo ay kinakabahan ako ng sobra.
"Sorry na." Paghingi ko ng paumanhin.
"Kiss mo muna ako nang mawala na 'tong inis ko." Aniya sabay nguso. Lumayo ako sa kaniya at walang gana siyang tiningnan saka pumasok sa silid na tinutulugan naming dalawa. "Huy! Nasaan ang kiss ko?"
Hindi ko siya sinagot. Bahala siya riyan. Nagpanggap akong parang walang naririnig. Kumuha ng damit sa backpack ko't pumasok sa banyo para maligo.
BINABASA MO ANG
The Emotionless Cold Nerd (Completed)
General FictionEveryone admire, respect, and fear Savannah Hernandez. She's not the type of person to be humble when she's hurt. She also never let anyone to dictate her because she has her own decisions in everything she does.But, when it comes to Logan Griffin...