Titig na titig ako sa kaniya habang naglalakad siya palapit sa akin. Gulat na gulat ako sa mga nasaksihan at mga nalaman ko tungkol sa kaniya. Ni hindi ko nga alam kung ano ang dapat na gawin.
Pakiramdam ko, yung Logan na nakasama ko ay isa lamang peke at ang Logan na nasa harap ko ngayon ay ang totoo Logan at kahit titig lang niya ay nakakapanghina na.
"Are you okay?" Tanong niya nang tuluyan ng makalapit sa akin.
Napakurap kurap ako saka dahan dahang iniatras kong ang mga paa. Ang hintuturo ko ay nakaturo sa kaniya at alam kong nababasa na niya rin ang gulat na bumalatay sa mukha ko.
"Y-you. Wh-Who are you?" Nauutal kong tanong habang patuloy sa paghakbang paatras.
Nahugot ko ang hininga nang mala hangin siyang tumakbo at sa loob lang ng isang segundo ay nasa harap ko na siya. Nakapalibot ang braso niya sa baywang ko upang hindi ako makalayo sa kaniya. Mataman siyang tumitig sa akin. Puno ng ibat-ibang emosyon ang kaniyang kaninang nakakakilabot na mga mata.
"S-Sino ka Logan?" Muli ay tanong ko nang wala akong matangap na tugon mula sa kaniya.
Umangat ang sulok ng labi niya. "Hindi ako sinuka, iniri ako."
Malakas kong kinurot ang tagiliran niya dahil sa isinagot niya sa akin. "That's not what I want to hear."
Bahagya siyang tumawa saka dumukwang. Ilalayo ko pa lamang sana ang mukha ko ngunit nahalikan na niya ako sa noo. Muli siyang tumitig sa akin. Mataman at para bang binabasa ang mga emosyon sa mga mata ko.
"This is the real me Savannah." Sagot niya sa kalmadong boses. "Alam kong ang dami mo nang tanong at sasagutin kita ng paunti-unti. Ito ako. Anak ng isa sa pinaka makapangyarihang mafia Lord sa buong mundo." Bahagya akong natigilan dahil sa narinig. Biglang bumilis ang pagtibok ng puso ko nang ipalibot niya sa baywang ko ang isa pang braso niya at ipatong ang baba sa balikat ko. "Mangako ka Savannah." Malungkot niyang sabi na ikinapagtaka ko.
"Huh?" Tanging lumabas sa bibig ko.
"Mangako ka na kahit anong malaman mo tungkol sa akin ay hindi mo ako iiwan." Bahagya niyang inilayo ang sarili saka mataman niya akong pinakatitigan na naman ngunit ang mga braso niya ay nanatili sa baywang ko. "Mangako ka." Puno ng pagsusumamo ang kislap ng kaniyang mga mata. "Savannah, mangako ka." Pag-uulit niya.
Parang kinukurot ang puso ko sa lungkot na nakikita ko sa mata niya. Umangat ang kamay ko para haplusin ang mukha niya. Pumikit siya na para bang ninanamnam ang bawat haplos ko. Hindi ko alam ngunit parang may nag-uudyok sa aking halikan siya. So I did. Ramdam kong bahagya siyang natigilan pero nanatiling pikit ang mga mata niya. Sandali lamang ang pagdikit ng mga labi namin ngunit naghatid na iyon ng kakaibang pakiramdam sa puso ko.
"Pangako. Kahit anong malalaman ko, hinding hindi kita iiwan."
With that, he open his eyes then a sweet smile appeared in his kissable lips. Natawa na lamang ako nang bigla niya akong yakapin ng mahigpit.
"Damn, you just make my heart beat faster than it already could." Bahagya siyang lumayo. Hinugot ang cellphone sa ilalim ng suot na tuxedo at may kung sinong tinawagan doon.
Dahil abala pa siya sa pakikipag-usap sa kabilang linya ay ipinalibot ko ang tingin sa lugar. Logan is a very dangerous man as what my grandfather had said before but that doesn't mean I will kill him. No way!
Ilalabas ko pa lamang sana sa suot kong leader jacket ang cellphone ko nang magsalita siya.
"Tara na?" Anyaya niya na ikinakunot ng noo ko.
BINABASA MO ANG
The Emotionless Cold Nerd (Completed)
General FictionEveryone admire, respect, and fear Savannah Hernandez. She's not the type of person to be humble when she's hurt. She also never let anyone to dictate her because she has her own decisions in everything she does.But, when it comes to Logan Griffin...