Matapos ang kasal ay sa malaking bahay ginanap ang reception at hindi ko maiwasang mamangha dahil sa ganda ng pagkakaayos ng lahat.
"Hoy! Pumila kayo nang maayos! 'Wag nag-aagawan ng puwesto!" Sigaw ni Wren na nasa likod at sinenyasan akong sa kaniya ko ibabato ang bulaklak na hawak ko. Tsk. Baliw nga naman.Si Gianna naman ay nasa mini stage rin at nagprisintang maging Emcee.
Hindi ko pinansin ang mga kababaihang nagaantay sa likod lalo na si Wren na parang baliw na naghahangad na masalo ang bulaklak na hawak ko.
Bahagya akong lumingon bago ibalik ang tingin sa harap at mula sa puwesto ko ay sinukat ko ang pagitan namin ni Wyatt na kunot ang noong nanonood sa amin habang nakaharap ang upuan sa direksiyon ko. Nailing si Gianna nang magtama ang mga mata namin at alam na niya kung ano ang iniisip ko nang pasimple niyang tinignan si Wyatt.
"In 1.. 2... 3!" Sigaw na bilang ni Gianna at saktong pagka 3 ay mabilis na ibinato ko sa taas ang bulaklak saka mabilis na humarap at tinignan si Wyatt na nakatingala sa bulaklak and the next thing he new, nasa lap na niya ang bulaklak dahilan ng pagsalubong ng kilay niya at tinaliman ako ng tingin. Nginisian ko siya samantalang ang mga kababaihan namang nasa likod ay nagprotesta pero hindi ko sila pinansin.
"Bakit sa kaniya mo ibinato?" Naiiritang tanong ni Wren. Kinindatan ko lang siya at ibinalik ang tingin kay Wyatt.
"Ayoko niyan!" Inis niyang sabi at ibinato iyon kay Ryder na natigilan sa pag-inom ng champagne. Napatingin siya sa bulaklak na hawak tapos ay sa akin.
"Eh 'di akin na lang." Sabi nito at ibinato 'yon kay Kathrine na bago pa nito masalo ay naunahan na siya ni Wren.
"Ako lang ang puwedeng magmamay-ari nito." Sabi niya at inirapan si Kath na natawa sa kabaliwan niya.
"Hoy! Ibigay mo nga 'yan kay Kath! Kung nangangarap kang ikaw ang ikakasal sa susunod ay hanggang pangarap lang 'yon dahil walang papatol sa pandak na tsismosang katulad mo!" Sabi ni Wyatt kay Wren na agad nagsalubong ang mga kilay.
Ang mga kamag-anak kong dumalo maging ang mga tauhan ng magulang ko ay natawa sa magkambal na ngayon ay nag-uumpisa na namang magbangayan. Tsk. Hindi ko pa yata nakitang naglambingan ang mga pesteng 'to.
Natatawang bumaba ako ng stage at lumapit sa mga kamag-anak ko.
"You're so beautiful hija." Puri sa akin ng second cousin ni mommy.
"Thanks tita. Mas lalo naman kayong gumaganda." Biro ko rito.
Natawa siya. "Tumataba nga tapos maganda pa? Ikaw talaga." Naiiling niyang sabi. "Anyway congratulations."
"Salamat po." Pasasalamat ko at kinamusta ang iba pang mga bisita.
Nang mapagod ako ay pumunta ako sa table ng mga magulang ko kung saan naroon ang lahat ng mga magulang ng mga kaibigan ko ngunit hindi pa man ako tuluyang nakakalapit nang may humarang sa dinaraanan ko. Si Logan.
"Ako naman ang asikasuhin mo. Kanina ka pa abala. Now, dance with me." Sabi niya nang nakangiti saka inilahad ang kamay sa harap ko.
Inirapan ko siya ngunit tinanggap ko rin naman ang kamay niya at hinayaan ko siyang hilahin ako sa gitna. Nagsimula namang tumugtog ang malamyos na kanta at ang DJ ay si Jett.
Nang makarating sa gitna ay hinuli niya ang isa pang kamay ko at ipinatong iyon sa balikat niya bago niya ipinalibot ang mga braso sa baywang ko at nagsimulang igaya ako pasayaw.
Nakatitig lang ako sa kaniya na titig na titig din sa akin. Walang nagsasalita at parehong pinapakiramdaman ang bawat isa hanggang sa may pumasok sa isip ko at binasag ang katahimikang bumabalot sa aming dalawa.
BINABASA MO ANG
The Emotionless Cold Nerd (Completed)
Ficción GeneralEveryone admires, respects, and fears Savannah Hernandez. In the eyes of other people, she's a beautiful heiress from a well known family. But in the eyes of her friends, she's a cold hearted assassin who'll kill without a second thought. She's not...
