Chapter 99

2.2K 55 1
                                        

SAVANNAH's POV

"'Wag mong buhatin 'yan baka mapano ka!" Sigaw ni Logan nang akmang bubuhatin ko ang sofa paatras dahil naglilinis ako ng salas.

"Huh?" Nagtatakang tanong ko.

Lumapit siya sa akin at inagaw sa akin ang hawak kong walis. Mabuti na lang at hindi na siya gumagamit ng pabango niya. Ang sakit kasi no'n sa ilong at nakakahilo.

"Sinabi ko bang maglinis ka?" Istriktong tanong niya.

Nakamot ko ang ulo."Eh nagwawalis lang naman ako rito dahil medyo maalikabok."

Nagbuntong hininga siya. "Doon ka na lang muna sa taas at ako na ang maglilinis dito." Sabi niya at tinalikuran ako.

Imbis na sundin siya ay uupo na sana ako sa sofang nalinis ko na nang walang lingon likod siyang nagsalita.

"Sabi ko, sa kuwarto ka muna oh sa labas. Maglilinis ako at baka maalikabukan ka." May riin niyang sabi.

Inirapan ko siya't imbis na sa kuwarto pumunta ay sa kusina ako nagtungo para kumain. Nagugutom na naman kasi ako.

Pagpasok kong kusina ay agad na naghanap ako ng makakain. Dahil palagi akong naghahanap ng cookies ay 'yon agad ang hinanap ng mata ko.

Binuksan ko ang ref. Walang cookies doon. Napatingala ako sa kabinet na nasa taas. Tinatamad man ay kumuha pa rin ako ng upuan. Hinila ko 'yon at nang nasa tapat na ako ng kabinet ay pumatong ako sa upuan at inabot ang kabinet saka binuksan iyon at inabot ang cookies. At dahil nasa dulo iyon ay hirap ako.

"Anong ginagawa mo riyan?" Dahil sa gulat ay muntik na akong mahulog kung hindi lang siya naging mabilis at nasalo ako kaagad.

Marahan niya akong ibinaba. Ang kaniyang mukha ay masama ang ekspresyon at napakatalim naman ng kaniyang tingin.

"Ano bang inaabot mo riyan sa taas?" Istriktong tanong niya.

"Cookies."

"Sana tinawag mo na lang ako at ng sa gayon ay ako na ang kumuha. Paano kung mahulog ka?"

Inirapan ko siya't lumayo. Sa mga nakalipas na araw ay wala na siyang ibang ginawa kung hindi ang maging OA. Konting galaw ko lang galit na siya agad. Akala mo namang ang laki ng nagawa kong kasalanan.

"Paanong hindi ako mahuhulog eh bigla ka na lang sumusulpot para manggulat." Naiinis kong sabi sa kaniya.

"Nakikipagtalo ka?" Istriktong tanong niya.

"Hindi. Nakikipagkantahan ako." Puno ng panunuyang tugon ko.

Nagbuntong hininga siya at pumatong sa upuan saka kumuha ng mga cookies at iniabot iyon sa akin. Nakangiting kinuha ko 'yon lahat at nagtungong lamesa para ilapag ang mga iyon doon. Patalon siyang bumaba ng upuan at ibinalik ang upuan sa ilalim ng lamesa.

"Gusto mong ipagtimpla kita ng juice?"

Binuksan ko ang isang maliit na box ng cookies at nakangiting kumuha ng isa saka kinain iyon. Marahan ang aking pagnguya dahil gusto kong malasahan ng maigi ang cookies.

"Gatas na lang. Lagyan mo ng asin at paminta ah."

Napangiwi siya. "S-sige." Nag-aalangan na aniya.

Alam niyang 'pag hindi niya ako sinunod ay hindi ko siya papansinin. Tungengot kasi 'tong si Logan eh. Hindi lang pinapansin, sobra na kung makapag-react. Hindi ko tuloy maiwasang alalahanin ang nagdaang mga araw na hindi ko siya pinansin.







"Sinabi ng asin hindi asukal! Mahirap bang gawin 'yon?" Naiinis kong tanong at inilayo ang baso.

"Savannah, naririnig mo ba 'yang sarili mo? Gatas na lalagyan mo ng asin at paminta? Ano ka arabo na umiinom ng gatas na maalat? Buti pa 'yong mga 'yon maalat lang. 'Yang sa 'yo, nilalagyan pa ng paminta. Are you out of your mind?" Tanong ni Logan sa akin habang nanlalaki ang mga mata.

The Emotionless Cold Nerd (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon