Linggo ngayon at walang klase kaya heto ako, nakatambay sa harap ng TV habang ngumunguya ng Piattos.
Nasa ganoon akong senaryo nang bumukas ang pinto at sunod-sunod nagsipasok ang mga kaibigan
"Hey Savannah!" Tumitiling bati ni Wren saka patakbong lumapit sa akin at akmang hahampasin ako sa likod ngunit mabilis akong umalis sa kinapupwestuhan ko.
"Bakit narito kayo?" Walang ganang tanong ko sa kanila.
Malapad na ngumiti si Gianna. "Dito kami tatambay buong maghapon." Sagot niya't pumasok sa kusina. Paniguradong buong maghapon iyong naroon sa kusina para lang magluto nang magluto. Ganun siya eh. Obsessed sa mga pagkain.
Si Ryder, sa sofa agad ang diretso. Naglagay ng earphones sa tainga, nahiga, pinagkrus ang mga braso at pinikit ang mga mata ng hindi man lang ako tinapunan ng tingin. Great. And Wyatt, he's with his new girl again. Tsk.
"Sav, pagamit ng kuwarto mo." Paalam nito sa akin.
I glared him. "Subukan mong iapak ni dulo ng daliri ng paa mo roon, mapapatay kita. Sa guest room kayo. 'Wag sa kuwarto ko." Inis kong sabi.
Hindi ko pinansin ang pag-hi sa akin ng babaeng kasama niya. At si Wren... nasa DVD stock. Naghahanap ng mapapanood. Isinalampak ko ang likod sa sandalan ng couch saka ihinilig ang ulo roon.
"Nagpunta lang talaga kayo rito para mamerwisyo ano?"
Nilingon ako ni Wren at kinindatan. "You know us."
Hindi na lang ako umimik at pinanood na lang siya sa ginagawa habang ngumunguya pa rin ng Piattos.
"Ayan na ayan na." Escited na sabi ni Wren at naupo sa tabi ko saka kumuha ng isang piraso ng piattos at kinain iyon.
Kukuha pa lang sana ulit siya ng isa pang piraso ay agad kong tinapik ang kamay niya. Inis niya akong nilingon. Masama ko naman siyang tinignan.
"Kumuha ka ro'n kusina." Masama ang mukhang sabi ko at lumayo ng kaunti para ilayo ang Piattos na hawak ko.
Nakasimangot siyang tumayo at patakbong tinungo ang kusina. Buti naman. Dahil wala akong balak na bigyan siya. My Pittos is only mine. Sumubo ako ng isang piraso saka ipinikit ang mga mata para namnamin ang sarap ng lasa ng Piattos.
Nang lumabas si Wren ay may dala na itong napakaraming chichirya na inilagay pa talaga sa basket. May dala rin siyang coke. Napatsk na lang ako nang tumakbo ito at mabilis na umupo malayo sa akin. Binelatan ako bago binuksan ang chichiryang hawak at itinuon ang buong pansin sa horror movie na pinapanood.
Maya maya pa....
"Waaaahhhh!"
"Tanga!" "
"'Wag kang lumapit diyan! Nariyan yung multo."
"Hayst!"
"Hoy tangang babae!"
"Aaahhh!!! Sarap mong sakalin tanga!"
Ang mga sigaw na iyon ni Wren ang tanging maririnig sa sala. Si Ryder, hayun, nakapikit pa rin ang mata. Ni hindi man lang ito nagalaw sa kinapupwestuhan kahit ang ingay ingay ni Wren.
"Waaahhhh!!! Nakakaktakoooootttt!!! Ahhhhhh!!!"
Napatakip ako ng tainga sa nakakabinging muli niyang pagsigaw. Tang*nang babaeng 'to. Parang nakalunok ng microphone.
Inis kong hinablot ang remote at pinatay ang pinapanood niya. Natigil ito sa pagsigaw. Natulala sa screen ng TV na puro black na lang.
Lukot ang mukhang bumalung siya sa akin ng tingin. "Bakit mo pinatay ha? Alam mo bang nasa magandang part na ako ng movie?" Naiinis niyang tanong.

BINABASA MO ANG
The Emotionless Cold Nerd (Completed)
General FictionEveryone admire, respect, and fear Savannah Hernandez. She's not the type of person to be humble when she's hurt. She also never let anyone to dictate her because she has her own decisions in everything she does.But, when it comes to Logan Griffin...