KATHERINE's POV
Kinabukasan, maaga akong gumising dahil sa excitement. Gusto kong mag-diving ngayon. Naengganyo kasi ako dahil sa mga kinuwento ni Wren na maganda raw sa lugar kung saan siya nag-diving kahapon. Maraming mga isda at iba't-ibang uri ng lamang dagat doon.
"Saan ka pupunta?" Tanong sa akin ni Gianna na kagigising lang. Nagkukusot pa ito ng mata.
"Magda-diving. Gusto mong sumama?" Magiliw na tanong ko.
Tumigil siya sa pagkukusot ng mata at namamanghang napatingin siya sa akin. "At this early morning?" Nakangiti akong tumango ngumiwi naman siya. "Ikaw na lang. Ang lamig pa ng tubig ngayon." Sabi niya sabay higa at nagtalukbong ng kumot.
Napasimangot ako. Bumaling ako kay Wren na tulog na tulog pa rin. Niyugyog ko ang katawan niya para magising siya at nawala ang pagkasimangot ko nang makitang bigla na lang siyang bumangon.
"Ano?" Badtrip niyang tanong.
Matamis ko siyang nginitian. "Samahan mo akong mag-diving."
She looked at me in disbelief. "For Pete's sake Kath, ang aga pa."
"Anong maaga? Malapit na kayang mag alas sais."
"Kung gusto mong magdiving nang ganitong kaaga ay umalis ka na. Kaloka ka, sinira mo ang napaka gandang panaginip ko para lang magpasamang mag-diving." Sabi niya't biglang humiga saka nagtalukbong ng kumot.
Nakasimangot na lumabas ako ng kuwarto namin. Sino naman kaya ang isasama ko mag-diving? Lahat na lang sila ay ayaw. Hindi ko naman puwedeng yayain si Savannah dahil baka kapag ginising ko 'yon ay baka biglang sumabog. Ang high blood pa naman ng isang 'yon.
Nakasimangot na tinungo ko ang elevator at nagpahatid sa 2nd floor kung nasaan ang restaurant ng hotel. Nabuburyong hinintay ko ang pagbukas ng elevator. Pakiramdam ko ay sobrang tagal ko makarating at gusto ko nang sipain ang pinto niyon dahil sa pagkaatat na makalabas. Hindi ko alam kung bakit biglang nasira ang umaga ko.
Nang magbukas ang elevator ay walang gana kong tinungo ang counter kung saan umu-order ang lahat ng nag-aagahan sa restaurant.
"Isang pancake and caramel coffie please." Sabi ko sa babaeng nasa counter.
"I'll serve it in a few minutes ma'am." Nakangiting tugon nito.
"Salamat." Sabi ko't tinungo ang lamesang malapit sa bintana.
Pagkaupo ko ay pinag-cross ko ang mga legs ko at tinanaw ang mga taong masayang naliligo sa dagat kahit ang maaga pa.
Bumalik sa alaala ko ang sinabi ni Wren. Ugh... gusto ko nang mag-diving. Muli akong napasimangot sa isiping gusto kong mag-diving pero wala namang gustong sumama sa akin.
Natigil ako sa pag-iisip nang makita sa peripheral vission ko ang pag-upo ng isang taong pamilyar sa akin ang amoy. Mabilis ko siyang nilingon at hindi ko maiwasang magulat nang mapagtanto kung sino 'yon.
"Lance..."
"Long time no see Kath." Nakangiti nitong sabi.
Tinaliman ko siya ng tingin. "Anong trip mo't dito ka pa naupo?"
Hindi ko pa rin nakakalimutan ang panloloko niya sa akin at ng best friend kong ahas kaya iniwan ko ang Bangladesh dahil sa kanila para makaiwas sa sakit ngunit parang pinaglalaruan yata ng tadhana ang buhay ko't muli pa kaming pinagtagpo ng asungot na 'to kung kailan nagiging okay na ako.
"Wala naman. Nakikiupo lang."
Magsasalita pa lang sana ako nang may babaeng lumapit sa amin. Bahagya itong yumuko at kasunod niyon ay ang paghalik niya kay Lance sa harap ko pa talaga mismo. Hindi ko maiwasang makaramdam ng kirot. Naiinsulto ako't pakiramdam ko ay nanliliit ako bigla. She's beautiful. Perfectly beautiful kaya hindi na nakakapagtakang ipagpalit ako ni Lance sa kaniya.
![](https://img.wattpad.com/cover/200171053-288-k262082.jpg)
BINABASA MO ANG
The Emotionless Cold Nerd (Completed)
General FictionEveryone admire, respect, and fear Savannah Hernandez. She's not the type of person to be humble when she's hurt. She also never let anyone to dictate her because she has her own decisions in everything she does.But, when it comes to Logan Griffin...