PAGDATING naming detention room ay walang katok na pumasok si Katherine kasunod ay si Wren, sunod ay si Wyatt, sunod naman ay si Gianna samantalang si Ryder ay nanatili lang sa labas.
"Ayaw mong pumasok?" Natatawang tanong ko.
Walang buhay niya akong tinapunan ng tingin. "Ayoko. Naiirita ako sa babaeng nasa loob niyan." Tugon niya't tinalikuran ako saka naglakad palayo.
Naiilang na iniiwas ko sa kaniya ang tingin saka buhat pa rin ang teddy bear ay pumasok ako ng detention room.
Nabaling ang tingin ko sa munting salas ng lungga ni Rita. Bawat isa sa mga kaibigan ko ay nagkanikaniyang upo na para bang sa kanila ang lugar saka binuhay ang TV at nanood ng slum dunk. Tsk.
"Savannah?" Boses iyon ni Rita.
Nang lingunin ko siya ay nakaupo siya sa swivel chair niya't kaharap si Mrs.Haines ang school principal ng paaralang ito. Pinaupo ko muna ang teddy bear sa pang isahang sofa saka bumalik sa dalawang nag-uusap at binati ang mga ito.
"Magandang umaga." Nakangiting bati ko sa kanila.
Mabilis na tumayo si Mrs.Haines at magalang itong yumuko sa harap ko.
"Magandang umaga rin Miss Hernandez." magalang nitong pagbati pabalik.
Si Rita naman ay tinapunan ng tingin ang teddy bear bago ibalik sa akin ang tingin. Nagtatanong ang kaniyang mga mata na nagtataka. "When did you plan to buy a human size teddy bear?"
Matamis akong ngumiti. "Logan gave it to me."
Nailling siya at bahagyang natawa. "How's his proposal by the way?" Tanong niyang muli.
"Amazing." Nakangiting sagot ko. Muli siyang nailing at muling ibinalik ang tingin kay Mrs.Haines. "Siya nga pala, iiwan ko na muna rito 'yang teddy bear. Kukunin ko na lang kapag uwian na." Dagdag ko. Hindi na siya hinintay pang makapagsalita at tinalikuran na siya agad.
"I love you Savannah!" Mapanuyang sigaw niya. Nilingon ko siya't kinindatan.
"I love you too!" Sagot ko't ibinaling ang tingin sa mga kaibigan kong abala pa rin sa panonood. "Kayo, hali na nga kayo't kailangan na nating pumasok."
Lahat sila ay sinamaan ako ng tingin ngunit wala akong pinansin. Basta dire-diretso lang akong naglakad palabas ng detention room.
MATAPOS ang maghapong pag-aaral ay sabay-sabay na naming tinatahak ang daan palabas ng gate.
"Savannah, 'yong prize ko ah. 'Wag mong kalilimutan." Paalala ni Katherine.
"Oo na." Walang ganang tugon ko.
"Anong prize?" Usisa ni Wren na nasa unahan namin ni Gianna at nilingon si Katherine na siyang nakakasabay sa paglalakad.
"Nanghamon ng car race hayun talo kaya akin na ang Lamborhini niya." Natatawang tugon ni Kath.
Inirapan ko siya at magsasalita na sana nang may mga brasong pumalibot sa baywang ko kaya natigil ako sa paglalakad.
"Mauuna na kami sa 'yo Sav, kita na lang tayo sa mansyon niyo. At hindi porket in love ka ay kalilimutan mo nang birthday ng kapatid mo ngayon." Ani Wren at nauna na silang maglakad palabas.
"I miss you." Malambing na bulong ng taong nasa likuran ko saka ako hinalikan sa pisngi na ikinabalik ko sa realidad.
"Chansing ka." Sabi ko sabay palo sa mga braso niyang nakapulupot pa rin sa baywang ko.
Natatawang humiwalay siya sa akin saka pumwesto sa harap ko't kinurot ako sa pisngi. Inirapan ko naman siya at lalampasan na sana nang mabilis niyang idipa ang mga braso para harangin ako.
BINABASA MO ANG
The Emotionless Cold Nerd (Completed)
General FictionEveryone admires, respects, and fears Savannah Hernandez. In the eyes of other people, she's a beautiful heiress from a well known family. But in the eyes of her friends, she's a cold hearted assassin who'll kill without a second thought. She's not...
