Chapter 27

2.1K 89 5
                                    

A/N:

Sa mga nagbabasa ng storey ko, sorry po sa mga wrong grammar at wrong spelling. Sensiya na. 'Di ako magaling na Author eh.😁
_______________________________



PAGKATAPOS ng lunch ay agad din kaming nagsipasok dahil maaga papasok ang unang subject namin sa hapon.

"Mag bar kaya tayo mamayang gabi?" Tanong ni Wren habang naglalakad kami sa hallway ng first floor.

Walang gana ko siyang tinapunan ng tingin. "Tapos ako lang din ang pababayarin mo?"

Malapad siyang ngumiti. "Sav naman. Alam mo namang nagtitipid ako."

Pairap kong iniiwas ang tingin sa kaniya. "Hindi ka nagtitipid Wren. Kuripot ka lang talaga." Sabi ko na ikinahalakhak niya.

"Thanks for the compliment." Hindi ko na lang siya pinansin at itinuon na lang ang buong pansin sa hallway.

Malapit na kami sa elevator nang bigla na lang magkumpulan na naman ang mga estudyante sa mismong tapat ng elevator.

"Ano na naman kaya 'to?" Boses iyon ni Gianna.

Hindi ko alam kung bakit pero sa bawat paglipas ng segundo ay nakakaramdam ako ng kaba sa isiping maaaring si Logan na naman ang dahilan ng kumpulan base sa mga mapang-insultong sigaw ng mga estudyante.

Unti-unti ay bumibilis ang bawat hakbang ko hanggang sa hindi ko namalayan na tumatakbo na pala ako palapit sa mga estudyanteng nagkukumpulan.

Naririnig ko ang pagtawag sa akin ng mga kaibigan ko pero ni isa ay wala akong pinakinggan. Patuloy lang ako sa pagtakbo hanggang sa makalapit ako sa mga estudyanteng nagkukumpulan.

"Umalis kayo sa harap ko." Mariing sabi ko sa mga estudyanteng nakatalikod sa akin.

Liningon ako ng mga ito. Sa takot nila ay mabilis silang nahawi at sa gitna na naman ng kumpulan ay naroon si Logan. Dahan dahan akong naglalakad habang nakatingin kay Logan na naliligo sa tubig, chocolates, eggs, juice at kung anu-ano pa dahilan para ito magmukhang marungis. Ang lab gown niya ay halos hindi makilala sa sobrang dumi niyon. Pinagsusuntok pa siya ng dalawang kalalakihan.

Tumigil ako sa paghakbang nang nasa pinakadulo na ako ng kumpulan. Gusto kong lumapit para pigilan ang mga lalaki sa pagbugbog nito kay Logan pero parang may pumipigil sa akin na huwag gawin 'yon.

Nakatulala lang ako sa kaniyang mukha na hindi man lang mababakasan ng sakit. As usual ay wala itong emotion at blangko ang kaniyang mga mata.

"Sav, pigilan mo na 'yang lalaki. Sobra na 'yang ginagawa nila." Boses iyon ni Wren na nasa likod ko pero imbis na gumalaw para gawin ang sinabi niya ay nanatili lang akong nakatingin sa mukha ni Logan. Basag na ang kaniyang salamin. Marami na rin siyang pasa sa mukha.

Akmang gagalaw si Wren para pigilan ang lalaking nanununtok nang iharang ko ang kamay ko sa harap niya. Nilingon ko siya. May nagtatanong siyang mga mata habang nakatingin sa akin.

"Hayaan nating siya mismo ang magtanggol sa sarili niya." Malumanay kong sabi. Hindi naman na siya sumagot at nanahimik.

Muli kong ibinalik ang tingin sa harap. Wala ka nang maririnig na kahit na anong ingay. Lahat ay nakatutok lang sa panonood kay Logan na paulit-ulit na binubugbog.

Aawat na sana ang dalawang professor nang makita nila ako. Sinalubong ko ang kanilang tingin. Humihingi sila ng permiso kung aawatin ba nila ang lalaking nanununtok. Umiling ako para ipahiwatig na hayaan na lang ng mga ito ang nangyayari.

Bumalik ang tingin ko sa dalawang lalaking pinagtutulungan si Logan. At ganoon na lang kabilis ang pagtibok ng puso ko nang mag labas ang isa ng kutsilyo. Kumikinang pa iyon sa talim.

Iniangat ng lalaki ang kutsilyo sa ere at isasaksak na sana iyon kay Logan ngunit naging mabilis ang aking paggalaw. Sinalo ang kamay ng lalaking may hawak sa kutsilyo at dahil naging mali ang pagkakasalo ko sa kamay niya ay nahiwa ng kutsilyo ang braso ko malapit sa pulsuhan ko. Napasinghap ang mga nakakita. Ang iba ay napatili. At sa isang iglap ay umugong ang bulungan sa paligid.

Agad na lumapit ang mga kaibigan ko para ilayo ang dalawang lalaking ngayon ay mababakasan na ng kaba. Lalo na ang lalaking nakahiwa sa braso ko. Kinuha ni Ryder ang kutsilyong hawak ko na habang si Gianna naman ay lalapitan na sana ako para pigilin ang pagdurugo ng kanang braso ko ay sinenyasan ko lang siyang 'wag na siyang lalapit dahil ayos lang naman ako. Hindi naman na siya nagpumilit.

Bumaling ang tingin ko kay Logan. Nakaupo na ito. Puno ng pasa ang mukha niya pero nanatili iyong walang emosyon. Ang dating malamig na klase ng kaniyang pagtingin ay mas lalo pang lumamig.

Wala kang mababasang ni anong emosyon sa mukha niya. Oo't marami siyang mga pasa. Dumudugo na rin ang ilan sa mga pasa niya pero kung titignan mo siya ay kalmado lang siya habang nakatingala sa akin. Parang hindi ito binugbog.

Gustuhin ko mang manlamig sa lamig ng kaniyang tingin pero iba ang nararamdaman ko. Naiinis ako. Sobra. Napipikon na rin. Kumuyom ang mga kamao ko habang nag-iigting ang panga ko. Ang mga mata ko ay matalim na nakatingin sa kaniya.

Sa sobrang inis ay sinugod ko siya ng malakas na sapak. Nabaling sa ibang direksiyon ang kaniyang mukha pero gaya kanina ay wala lang din siyang emosyon na para bang wala man lang siyang pakialam sa ginawa ko.

Inis na hinawakan ko siya sa kuwelyo at hinila patayo. At kahit sobrang bigat niya ay kinaya ko pa ring maitayo siya gamit ang kaniyang kuwelyo.

Inis kong itinulak siya sa salamin na pader. Inisahang hakbang ko ang pagitan namin at muli siyang sinapak. Umaasang sana ay ay matauhan na siya sa kabaliwan niya.

Muli ko siyang kinuwelyuhan at sinalubong ang kaniyang malamig na tingin. "Bakit hindi ka lumaban!" Galit na sigaw ko sa kaniya. Nakakapikon ang ugali niyang hinahayaan lang ang iba na apihin siya.

"Never stand in front of me again whenever I'm in trouble. It's disgusting." Sa halip ay malamig niyang sabi.

Sarkastiko akong natawa. "So anong gusto mong gawin ko? Hayaan na lang silang gawin ang mga iyon sa 'yo kung kaya ko naman silang pigilan? Sana nga ay kaya kong makita kang ginagano'n. Eh 'di sana hinayaan na lang kitang kutyain, batuhin ng kung ano-ano, insultuhin ng iba at pagtawanan! Sa tingin mo, natutuwa akong may pakialam ako sa'yo? Hindi! Naiinis ako! Nabubuwiset ako!"

"Wala akong pakialam sa nararamdaman mo sa tuwing nakikita mo ako sa ganoong sitwasyon." Mas humigpit ang pagkakahawak ko sa kuwelyo niya dahil sa sinabi niya. Naiinis ako at the same time ay nahihiya dahil sa rami ng students na nanonood sa amin ngayon. "Please lang, lumayo ka sa akin. Kaya ko ang sarili ko ng wala ang tulong mo." Hinawakan niya ang mga kamay kong nasa kuwelyo niya at marahas iyong ibinaba.

Napatungo na lang ako. Naiininis ako sa isiping may pakialam ako sa kaninya na hindi ko naman dapat nararamdaman.

Ramdam ko ang mga titig niya sa akin ngunit ilang sandali lamang ay umalis na rin siya sa harapan ko at parang walang nangyaring tinalikuran ako at naglakad palayo.

"Kung sana ay kaya kitang layuan ay baka matagal ko nang ginawa. Hindi naman kita kaanu-ano pero ganito na lang ako mag-alala sa 'yo." Bulong ko at mapait na napangiti . "I hate you because you're just a nobody. You're just an emotionless cold nerd that I really care the most."

The Emotionless Cold Nerd (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon