Chapter 14

2.3K 77 2
                                    


"Bakit hindi ninyo napatay si Mrs.Brits?" Usisa ni lolo.

"Magaling ang kasama niya eh. Alam mo naman kung gaano kami kabilis pero hindi namin aakalahing may mas magaling at mas mabilis pa pala sa amin. Sobrang bilis ng kasama ni Mrs.Brits lo. He's like an air." Paliwanag ko saka sumimsim ng kape. Hindi na ako nagtaka kung bakit narito siya ng ganito kaaga sa bahay ko matapos ang hindi matagumpay naming misyon.

"Sobrang bilis." Tumango tango siya. "Then kill Logan Griffin."

Tumaas ang kanang kilay ko. "Lo, napag-usapan na natin 'to 'di ba?"

Bumuntong hininga siya saka mataman akong tinitigan. "Savannah, he's a dangerous man."

Gusto kong matawa sa sinabi niya. Dangerous? Is he's kidding me? "Yeah lolo. Sa sobrang mapanganib niyang tao, kung hindi siya binabato ng kung anu-ano, nilalait at sinasaktan siya. Lo, how can be a loser became a dangerous man?"

Pinagsalikop niya ang mga daliri bago niya ipinatong ang baba roon nang hindi inaalis ang mga titig sa akin. "Bakit hindi mo kayang sundin ang utos ko? Noon naman kahit walang rason at sabihin kong patayin mo 'to, sumusunod ka nang walang pag-aalinlangan. What's with that guy and you can't follow my order?"

Humalukipkip ako. "Pag-iisipan ko ho ang gusto niyong mangyari. He really just a loser to me, lo. Hindi ko alam kung bakit gustong gusto mo siyang mabura sa mundo."

"Hindi mo rin ako maiintindihan."

Kumuyom ang kamao ko. "Kung ganoon, ipaintindi niyo sa akin. Bigyan niyo ako ng magandang rason at walang pag-aalinlangan kong wawakasan ang buhay niya."

Tumayo siya ng tuwid at hindi pinansin ang sinabi ko. "Kailangan ko nang umalis."

Napabuntong hininga na lang ako. Bakit ba ayaw niyang sabihin sa akin? Nang sa gano'n ay maintindihan ko siya. "Sige lo, ingat kayo." Sabi ko na tumayo na rin para ihatid siya palabas ng unit ko.

Tinanguan ko ang Butler ni lolo bago ko isara ang pinto at nagtungong kuwarto para magbihis at nang makaalis na rin.





"ANO ANG gumugulo sa isipan ng aming reyna?" Tanong ni Gianna habang nag-aagahan kami sa Cafeteria.

"Wala." Tugon ko. Wala ako sa mood makipag-usap. Hindi na rin siya nangulit pa.

Ilang minutong namayani ang katahimikan bago niya iyon basaging muli. "Hanggang ngayon, hindi pa rin ako makapaniwalang gano'n lang tayo kadaling natakasan." Naiiling niyang sabi.

"Even me. But I was impressed by his skills." Namamanghang sabi ko.

"Pero hindi ka ba nababahala na maging malaking banta siya para sa atin? I mean, hindi naman tayo mga pipitsuging assassins lang pero kinaya tayo ng gano'n gano'n lang."

Nagbuntong hininga ako saka inubos ang natitirang pancake sa plato ko. "Nababahala rin. Sino ba ang hindi? Pero wala naman tayong magagawa. Ang kailangan lang nating gawin ay mag-ingat. Lalo pa't maaari nila tayong gantihan." Pagkasabi ko niyon ay tumayo na rin ako. "Sa music hall muna ako. Doon na muna ako hangga't wala pang klase."

"Ganoon ka ka-stress ngayon at sa music hall ang punta mo?"

I nodded. "Yeah. At isa pa, nami-miss kong mag-drums. Simula nang pasukan, hindi na ako nakakapag-drums."

"Want me to come accompany you?"

I shook my head. "Nah. Ipagpatuloy mo na lang ang pag-aagahan mo." Seryosong sabi ko saka siya tinalikuran at lumabas na ng Cafeteria.

Nakapoker face ako habang tinatahak ang daan patungong music hall. I feel so stressed. I feel so depressed. Sa rami ng iniisip ko ay parang gusto nang sumabog ng utak ko.

Naglabas ako ng bubble gum mula  sa bag ko saka nagbalat ng isa at nginuya nguya iyon. Nagbuntong hininga ako nang pumasok na naman sa isip ko ang lalaking nakaharap ko kagabi. Namamangha ako sa kaniya pero natatakot din ako at nababahala. Marahas akong napahilamos ngunit natigilan din nang matanaw ko si Logan na pumasok sa music hall. At dahil sa curious ay maingat ang aking hakbang na tinahak ang daan patungong music hall.

Nang nasa tapat na ako ng music hall ay tahimik akong pumasok at naupo sa isa sa mga upuang medyo malayo sa mini stage.

Inayos ko ang pagkakaupo ko saka tumingin sa stage. Naroon si Logan. Nakaupo sa harap ng piano. Inayos ang suot na salamin at tinupi ang manggas ng oversize na polo hanggang siko.

Even in front of piano, he's still emostionless. His eyes were still cold and blank. Napaisip tuloy ako kung ngumingiti rin kaya ang lalaking ito.

Natigilan ako nang magsimula siyang kumanta saka nag-angat ng tingin para salubungin ang aking tingin na ikinagulat ko. Gusto kong tumayo at umalis pero pakiramdam ko ay para bang napako ako sa kinauupuan ko habang naninindig ang mga balahibo't natutulala sa kaniya dahil sa ganda ng kaniyang boses.

On the days I can't see your eyes
I don't even want to open mine
On the days I can't see your smile
Well I'd rather sit wait the while
For the days I know you'll be near
'Cause a day without you just isn't fair.
See the days I can hear your voice
I'm left without a choice.

Sa unang pagkakataon, nakitaan ko ng emosyon ang kaniyang malamig na mga mata ngunit ang mukha niya ay nanatiling walang emosyon. Hindi ko maiwasang pag-aralan ang bawat anggulo ng mukha niya. Those perfect jaw lines, those cold eyes with thick eyebrows, those perfect pointed nose, and those pinkish thin lips were really make him more handsome. And I can't help myself of not admiring him.

Plus I get weak in the knees
Fall head over heels baby
And every other cheesy cliché
Yes I'm swept off my feet
Oh, my heart skips a beat
But there's only one thing to say

God damn you're beautiful to me
You're everything
Yeah, that's beautiful
Yes to me, oh

I can't find the words to explain
Just how much you got me going insane

It feels like he sang the song for me but I better know, we don't know each other and he's just like this. Weird and mysterious.

'Cause even when you just walk by
Well, I look around to seen occupied
'Cause I'm trying so hard to hide
Yeah, all this feelings inside

'Cause I get weak in the knees
Fall head over heels baby
And every other cheesy cliché
Oh, I'm swept off my feet
My heart skips a beat
But there's only one thing to say

God damn you're beautiful to me.

Iyon ang huling linya ng kantang kinanta niya bago niya itinigil ang pagtugtog ng piano. Napakurap kurap ako at nabalik sa realidad.

Mabilis akong tumayo saka mabilis na lumabas ng music hall habang sapo sapo ang dibdib. Ang puso ko, parang nagkakarera sa sobrang bilis ng tibok niyon at pakiramdam ko ay kinakapos na ako ng hininga. Damn, why my heart is beating like this?




____________

Song title: God Damn You're Beautiful by Chester See

The Emotionless Cold Nerd (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon