LOGAN's POV
"'Wag kang umalis..." Parang batang sabi ni Savannah nang maiupo ko siya sa tapat ng pinto ng condo niya.
Yumuko ako at tinapik tapik ko ang mukha niya. "May susi ka ba riyan?" Tanong ko. Umangat ang kamay niya't itinuro ang elevator. "Anong meron sa elevator?" Tanong ko pero ngumiti lang ito. Marahas kong ginulo ang magulo ko nang buhok. "Ano? May dala ka bang susi?" Tanong ko ulit. Halos magsalubong na ang kilay dahil sa pikong nararamdaman. Gaya kanina ay ngumiti lang ito at itinuro na naman ang elevator. Inis kong hinuli ang kamay niya. Niluwagan ko lang ang pagkakahawak niyon dahil konting konti na lang ay mapipisil ko na ng sobrang lakas dahil sa inis na nararamdaman.
Ibinaba ko ang kamay niya't tumayo. Wala naman sigurong mangyayari sa kaniya rito kapag iiwan ko siya sa harap ng condo niya.
Ihahakbang ko pa lang sana ang mga paa ko paalis nang iyakap niya ang mga braso sa binti ko.
"'Wag ka shabing umalish." Mahinang sabi niya.
Aagawin ko na sana ang binti ko nang mas higpitan pa niya ang pagkakayakap doon.
"Pakiusap, bitawan mo ang binti ko. Pupuntahan ko lang sandali ang mga kaibigan mo." Sabi ko kahit walang kasiguraduhan kung maiintibdihan ba niya ako o hindi.
Imbis na makinig at umupo ito at bigla na lang niyang ipinalibot sa binti ko ang mga binti niya. Tuloy ay yakap-yakap na niya ang binti ko. Puno ng pagkasiphayong nagbuga ako ng marahas na hangin.
"Ganyan ka ba talaga kapag lasing? Nagiging clingy?" Tanong ko sa kaniya habang salubong ang mga kilay.
Ngumiti lang ito saka mas hinigpitan pa ang pagkakayakap sa binti ko. Napatingala ako sa kisame. Stress na stress at malapit ng mapikon. Kanina lang ay naitapon ko ang jacket ko dahil sumuka siya nang sumuka roon.
"What the hell is your problem woman! Let go of my leg!" Naiinis kong sabi dahil nangangalay na ang binti ko.
Hindi ako makayuko dahil sa pag-aalalang baka maipit ko ang kamay niya oh matuhod siya. Pero wala akong choice. Kaya bahagya akong yumuko para maabot ang kamay niya. Pinilit ko iyong alisin at para bang nilagyan ng pandikit ang mga braso niya dahil sobrang hirap nitong tanggalin mula sa pagkakagapos sa kanang binti ko.
Muli akong nagbuga ng hangin. Pinagpapawisan na rin ako. Muli kong sinubukang tanggalin ang pagkakayakap niya sa binti ko pero gaya kanina ay hindi ko rin iyon matanggal tanggal. Natatakot din akong baka masagi ko ang sugat niya sa braso.
Inis kong ihinakbang ang paa ngunit napangiwi nang maramdaman kung gaano siya kabigat.
"Fuck this life of mine." Puno ng pagkasiphayong sabi ko. "Bakit ka ba kasi pakalat kalat sa bar na 'yon habang lasing? Alam mo bang ang daming mga manyak doon? Paano kung may mambastos sa 'yo?" Pangaral ko sa kaniya kahit na alam kong hindi naman niya ako naiintindihan dahil wala siya sa sarili.
Kung hindi ko lang siya nakita na pasuray suray habang naglalakad at sinusundan ng tingin ng mga kalalakihan ay hindi ko rin siya susundan.
Inis na yumuko ako at marahas na binaklas ang mga braso niyang nasa binti ko ngunit mabilisan lang niya 'yong naibalik.
"Let go of my leg!" Napipikon ko nang sigaw.
Kapag iniaangat ko ang paa ko ay naangat din siya. Ang sa tingin kong kapit bahay niyang babae na dumaan ay napatingin sa amin. May bahid ng pagtataka ang kislap ng mga mata nito.
Muli kong marahas na binagklas ang mga braso niya sa hita ko tapos ay hinawakan ang mga iyon gamit ang kaliwang kamay ko ng buong lakas dahil pilit niyang inaagaw ang kamay mula sa pagkakahawak ko. Marahas kong iniangat ang paa ko mula sa mga binti niyang nakapalibot doon. Nakahinga ako ng maluwang nang tuluyan kong maagaw ang binti ko.
![](https://img.wattpad.com/cover/200171053-288-k262082.jpg)
BINABASA MO ANG
The Emotionless Cold Nerd (Completed)
Genel KurguEveryone admire, respect, and fear Savannah Hernandez. She's not the type of person to be humble when she's hurt. She also never let anyone to dictate her because she has her own decisions in everything she does.But, when it comes to Logan Griffin...