Chapter 92

1.5K 51 1
                                        


SAVANNAH's POV

Matapos naming kumain ng barbeque ay agad din kaming umuwi at dahil hindi pa ako nakuntento ay nag-take out pa ako at kinain 'yon sa kotse.

"Mahilig ako sa barbeque pero hindi naman ako kasing takaw mo." Kumento ni Logan at tinapunan pa ng tingin ang kinakain kong isaw. Busog na busog na ako pero na-addict yata ako rito.

"Magmaneho ka na lang, 'wag mo na akong pinapansin."

Nailing siya at itinuon na lang ang tingin sa daan. "Alam mo bang hinahaluan ng tae ng manok ang pagluluto riyan kaya masarap?"

Natigil ako sa pagkain ng barbeque at tinaliman siya ng tingin tapos ay malakas na sinipa siya sa paa. "'Wag ka ngang magbiro ng ganiyan!"

Humalakhak siya habang sapo ng isang kamay ang paa niya. "Napaka high blood mo talaga."

Inubos ko ang barbequeng kinakain ko at itinapon sa maliit na trash can sa sasakyan niya ang mga tuhog niyon.

Iniliko niya ang sasakyan tapos ay ipinasok iyon sa bahay at iginarahe bago mabilis na lumabas at pinagbuksan ako ng pinto.

Inilahad nito ang kamay. Nakangiti ko namang inabot 'yon at hinayaang magpaalalay sa kaniya. Hinalikan pa muna niya ang kamay ko kung nasaan ang mga singsing ko bago niya ako inalalayang makalabas.

"Dalawa na ang singsing mo. Magiging tatlo pa sa wedding natin." Nakangiting sabi niya at pinagsalikop ang mga daliri namin bago niya isinara ang pinto at hawak ang kamay kong iginaya niya ako patungong entrance ng mansyon.

"Eh 'di maganda, para I love you."

Pinanggigilan niya ang pisngi at hindi na umimik. Pagbukas namin ng pinto ay nagtaka kami nang makita ang mga kaibigan kong nagkakatuwaan at ang nangunguna sa kanila ay si dad. Ano kaya ang mayroon?

Agad na lumapit si Logan sa kanila ako naman ay dumiretso sa hagdanan at umakyat para magpalit ng damit. Nang makarating sa dulo ay lumiko ako. Maraming kuwarto pa ang nadaanan ko bago ako nakarating sa kuwarto ko. Agad akong pumasok at dumiretsong banyo. Pagpasok ay hinubad ko lahat ng damit ko bago itinapat ang sarili sa shower.

Habang nasa ilalim ng shower ay naglalakbay ang isip ko sa nangyaring pagkidnap sa akin ni Dyler at ang sinabi nito. Tinanggap kaya 'yon ni Logan? Bakit ba nakalimutan kong itanong 'yon? Iniisip ko rin ang kalagayan ko ngayon. Alam kong hindi ako pababantayan ng mga magulang ko kung hindi nasa piligro ang buhay ko. Iniisip ko pa lang na mamatay ako nang ganito kaaga ay natatakot na ako. Ito ang kapalit ng lahat ng ginawa ko. Gayon pa man, wala akong pinagsisisihan. Lalo pa't nakikita kong palagi nang nakangiti si Gianna.

Mabilis na tinapos ko ang paliligo at agad na lumabas ng banyo saka nagpalit ng damit. Nagpatuyo lang ng buhok at lumabas na ng kuwarto dire-diretso sa elevator. Nang magbukas 'yon ay agad akong pumasok at nagpahatid sa first floor.

Ilang sandali ang lumipas ay nagbukas din 'yon kaya agad akong lumabas at nagtungo sa salas kung saan naroon ang mga kaibigan kong nagkakatuwaan pa rin na mukhang inaasar si Wyatt na hindi maipinta ang mukha. Naroon din si Dalton, Jett at Rita. Tsk. Kung saan talaga ako ay naroon sila. Paniguradong dito rin magsisipagtulog ang mga pesteng 'to.

"Ano ang mayroon?" Tanong ko at kukuha na sana ng isang canned beer nang may bumato sa kamay ko. Sinundan ko 'yon ng tingin at si Ryder lang pala. "What?"

"Sabi ng boyfriend mo, kapag pinainom ka namin, paptayin niya kaming lahat."

Tumaas ang kilay ko. "Naniwala naman kayo ro'n?"

"Malamang, siya ang lalaking nakaharap natin noon sa Farranew Hotel. Patunay lang na nakakatakot ang boyfriend mo. Tsk, eh sa 'yo nga lang 'yon madalas ngumiti kung kami ang kaharap madalas walang emosyon ang mukha minsan lang niya kami ngingitian kapag trip niya." Sagot ni Gianna sa tanong ko at inilayo pa talaga ng mga peste sa akin ang beer.

The Emotionless Cold Nerd (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon