Chapter 12

2.5K 76 1
                                    

Days had passed at ganoon pa rin ang ikot ng buhay ko. Gigising sa umaga para pumasok, mag-aaral buong maghapon, uuwi at matutulog saka gigising ulit ng maaga para muling pumasok.

Ngunit si Wren, ang pagiging tsismosa niya ay mas lalo pang lumalala. Ngayon, nagiging CCTV na namin siya sa iisang tao lang naman gaya na lang ngayong nasa rooftop kami.

"Grabe si Logan kanina, nakakailang hakbang pa lang siya papasok sa gate ng University ay pinagbubugbog na siya kaagad. Hindi man lang nila hinayaang makapasok muna. Kawawa talaga. Pero ang hindi ko maintindihan ay kung bakit bugbog sarado na nga ay wala ka man lang makikitang kahit anong reaksiyon mula sa kaniya. Hindi magrereklamo, hindi magpupumiglas, sisigaw o hihingi ng tulong. He's so weird." Kuwento nito sa amin.

"Eh ikaw? Hindi weird?" Walang ganang tanong ni Wyatt kay Wren.

"Syempre hindi. Ano ba namang klaseng tanong 'yan Wyatt."

"Eh bakit habang tumatagal palala na nang palala 'yang sakit mong gossipmonger disorder?"

Nginisian ni Wren ang kakambal. "Bro, hindi sakit ang pagiging tsismosa, talento 'yon talento. Naiintindihan mo?"

"Sakit pa rin 'yon, malala na nga 'yong sa 'yo. Tell me sis, do I need to bring you in a mental hospital?"

Malakas na sinuntok ni Wren si Wyatt na ngumisi lang ng nakakaloko. "Anong konek ng pagiging tsismosa ko sa mental hospital ha?" Napipikon nang tanong ni Wren.

"Pang Mental naman na kasi 'yang pagiging tsismosa mo."

Malakas ulit siyang sinuntok ni Wren sa balikat na ikinatawa ng huli.

"Don't talk to me. Naiirita ako sa 'yo, you know?"

"Kaya nga kinakausap kita dahil alam kong naiirita ka. And my goal is to annoy you everyday."

Akmang susuntukin uli ni Wren si Wyatt nang mabilis na pumagitna si Gianna na masamang masama ang mukha. "Continue your nonsense arguments and I will kill you both." Natahimik ang dalawa sa nakakatakot na boses na iyon ni Gianna. Masama ang mukha ni Wren habang si Wyatt naman ay may matagumpay na ngisi.

And Ryder... humihilik na nakasandal ang likod sa railings ng rooftop habang naka-cross ang mga braso sa gitna ng kaniyang dibdib at nakapatong ang mga paa sa sa mga hita ko. Such a great man.

"Guys, look, binu-bully na naman si Logan." Sabi ni Wren na nakatingin sa baba.

Dahan dahan kong ibinaba ang paa ni Ryder para makita ang kaniyang sinabi. Tumayo ako at tumingin sa baba and I saw Logan. He's cover with lots of eggs and some dirty I don't know what are that.

"Lumayas ka rito! Isa kang salot!"

"Sana paalisin ka na ng may-ari ng University na ito! Demonyo ka!"

"Lumayas ka sa paaralan namin!"

"Pangit ka!"

"Nakakadiri ka!"

"Ayaw namin sa 'yo salot!"

Sigaw ng mga estudyante sa kaniya.

"What's wrong with these college students? Mas malala pa yata sila sa mga high school eh." Ani Gianna. Bakas ang pagkabahala sa kaniyang boses.

The Emotionless Cold Nerd (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon