LOGAN GRIFFIN's POV
Walang emosyon ang mukha ko habang tinatanaw siya mula sa puwesto ko. Nakakagaan ng loob ang klase ng kaniyang pagngiti. Nakakatuwa rin ang bawat reaksiyon ng kaniyang mukha. Ang cute niya.
Wala mang emosyon ang mukha ko ngunit sa loob loob ko ay ngumingiti ako ngayon. At dahil 'yon kay Savannah. Warum bist du so entzückend Savannah? (Why are you so adorable Savannah?) Sa isip isip ko.
"Sir, dein Vater ist hier." (Sir, your dad is here.) Wika ng lalaking nasa likod ko sa wikang Aleman.
Hinarap ko ang tauhan ng aking ama. "Wo ist er?" (Where is he?) Tanong ko rin sa wikang Aleman.
"Im büro Ihres managers, Sir." (In the office of your manager sir.)
Hindi na ako nagsalita pa at iniwan siya sa counter.
Naglakad ako patungong dressing room at pumasok. Inalis ko ang suot na apron. Tinanggal ko ang suot kong salamin, inayos ang blonde kong buhok at tinupi ang manggas ng suot kong long sleeve na polo hanggang siko. Ayaw ng aking ama na nakikita akong hindi presentable sa paningin niya. Huminga ako ng malalim at lumabas bago pumasok sa loob ng office ng manager ko.
Ang likod ng aking ama ang unang bumungad sa akin pagpasok ko. Nakatayo ito habang ipinapalibot ang tingin sa kabuuan ng office. Tanging siya lang ang tao rito.
"Guten tag mein sir." (Good afternoon sir.) Bati ko sa wikang German para makuha ang atensiyon niya.
Nilingon niya ako. Seryoso ang kaniyang mukha at salubong ang kaniyang mga kilay. "Das, was dich beschäftigt?" (This what keeps you busy?)
"Jawohl sir." (Yes sir.) Tugon ko.
Mapang insulto siyang humalakhak. "Sie können nicht essen, deshalb arbeiten sie hier Logan?" (You can not eat, so you work here Logan?) Mapang-insultong tanong niya.
"Ich liebe es hier zu arbeiten, sir." (I love working here, sir.) Magalang kong tugon. Nagpipigil ng inis. Kahit ba naman ang mga bagay na gusto kong gawin ay pakikialaman pa niya.
Malakas niya akong sinampal. Hindi ako nagreklamo. Nanatiling walang emosyon ang mukha ko kahit na bahagyang namanhid ang kaliwang pisngi ko dahil sa pagsampal niyang 'yon.
"Was werden meine Freunde sagen, wenn sie wissen, dass mein sohn als kellner in einem billigen restaurant arbeitet?" (What will my friends say when they know that my son works as a waiter in a cheap restaurant?) Nanggagalaiting pasigaw niyang sabi sa akin.
I clench my fist. Gusto kong matawa nang banggitin niya ang sohn. Son? Kailan pa ba niya ako itinuring na anak? Ni ang tawagin siyang ama ay hindi ko magawa dahil ayaw niya.
"Ich entschuldige mich, sir." (My apologies, sir.) Malumanay kong sabi.
"Bullshit! du bist so nutzlos! Blöd! wo ist dein gehirn! Soll ich mich wirklich für meine freunde schämen?" (Bullshit! you are so useless! Stupid! where is your brain! Do you really want me to be ashamed with my friends?) Galit na galit niyang sabi habang nanlalaki ang kaniyang mga mata at nag-iigting ang mga panga.
Lihim kong muling ikinuyom ang mga kamao ko. Wala na siyang ibang alam kung hindi ang mga iisipin ng mga taong nasa paligid niya. Pero ang nararamdaman ko bilang anak niya ay wala man lang siyang ni kaunting pakialam.
"Es tut mir wirklich leid, Sir." (I'm really sorry, sir.) Paumanhin ko. Muli niya akong sinampal. Sa lakas niyon ay halos mamingi ako. Sumakit din ang nasa ilalim ng tainga ko.
"Verlasse diesen Ort oder willst du, dass ich dieses billige restaurant zerstöre?" (Leave this place or do you want me to destroy this cheap restaurant?) Seryosong sabi niya.
Lihim akong nagbuntong hininga. Pinapakalma ang sarili. "Ich werde diesen ort verlassen, sir." (I will leave this place, sir.) Magalang kong sabi.
Gumuhit ang nakakalokong ngisi sa kaniyang mga labi. "Das ist mein sohn." Nakangising aniya. "Egal, ich muss gehen. Ich habe viel zu tun. Verlasse diesen Ort jetzt, Logan. Mach mich nicht wütend." (That's my son.
Anyway, I have to go. I have a lot things to do. Leave this place now Logan. Don't make me angry.) Seryosong dagdag niya saka lumabas ng office.Mapait akong natawa nang tuluyan na siyang nakalabas ng office. Gustuhin ko mang manatili pa sa lugar na ito ay wala na akong ibang magagawa kung hindi ang umalis. Kailan kaya ako makakaramdam ng totoong kalayaan?
Lumabas ako sa manager's office saka pumasok sa dressing room. Nang makapasok ay ginulo gulo ko ang buhok ko saka isinuot ang salamin ko. Matapos ay lumabas din ako ng dressing room para hanapin ang manager ko ng sa gayon ay malisan na ang lugar na ito.
Ipinalibot ko ang tingin sa kabuuan ng Restaurant para hanapin ang manager ko. Nang hindi ko siya makita sa mga kainan ay akmang aalis na sana ako nang magtama ang mga mata namin ni Savannah na mukhang papaalis na.
Sandali kaming nagkatitigan. Napakurap kurap ito at parang kinakabahang nag-iwas ng tingin. Lihim akong natawa. Ang cute.
Magaan ang loob na umalis na ako sa kinatatayuan ko para ipagpatuloy ang paghahanap sa manager ko.
SAVANNAH's POV
"Nakita ko 'yong titigan niyo ni Logan ah. Kaya ka siguro rito nag-ayang kumain kasi dito siya nagtatrabaho? Ikaw ah." Panunukso ni Wren habang naglalakad kami palabas ng restaurant.
"Oh, shut up Wren, nag-iilusyon ka lang dahil hindi kami nagkatitigan ano." Pagpapalusot ko.
Tumawa siya nang malakas na ikinaugong ng bulungan sa paligid. Ang iba ay nawiwirduhan, ang iba ay natatawa at ang ibaba ay nanghuhusga. Hindi ko sila masisisi. Kung ang taong kagaya ni Wren ba naman ang makakasama mo ay paniguradong pagbubulungan talaga kayo ng mga makakakita sa inyo. Eh sa nawalan na ng hiya 'yang tang*nang iyan eh.
"Mukhang apektadong apektado talaga sa presensya ni Logan 'no? In love na siguro 'to ayaw lang aminin sa atin." Gatong naman ni Gianna.
Sina Wyatt at Ryder ang nangungunang naglalakad. Tahimik lang si Ryder samantalang si Wyatt ay mukhang badtrip sa kausap nito sa telepono.
"Ako rin Gianna baby, apektadong apektado sa presensya mo kaya heto't in lo--"
Hindi pinatapos ni Gianna si Jett sa kaniyang iba pang sasabihin dahil malakas niyang sinipa si Jett sa binti. Napayuko ito sa sakit at paulit-ulit na napamura habang sapo sapo ang binti. Ang mga costumers sa loob ay nagtatakang napalingon sa amin.
"Ang brutal mo talaga Gianna ba--" hindi na naman nito natapos ang sasabihin nang makita kung gaano kasama ang tingin ni Gianna sa kaniya.
"Isa pang Gianna baby mo mapapatay na talaga kita." Mahinang banta ni Gianna tama lang para marinig siya ni Jett na imbis na matakot ay mas lalo lang natuwa sa naging reaksiyon ni Gianna.
"Auuhhh. My Gianna baby... why are you so beautiful in my eyes?" Nangingiting ani Jett. Mabilis itong umalis sa kinapupwestuhan nang akmang sisipain ulit siya ni Gianna. Binelatan ni Jett si Gianna saka iika ikang patakbong lumabas ng restaurant.
"Ang gagong 'yon." Naiinis na wika ni Gianna.
I tapped her shoulder. "Relax, inaasar ka lang no'n." Natatawang sabi ko at naunang maglakad palabas ng restaurant.
BINABASA MO ANG
The Emotionless Cold Nerd (Completed)
General FictionEveryone admire, respect, and fear Savannah Hernandez. She's not the type of person to be humble when she's hurt. She also never let anyone to dictate her because she has her own decisions in everything she does.But, when it comes to Logan Griffin...