"Am I that handsome mein Sonnenschein?" Nakangisi niyang tanong.
Inabot ko ang mukha niya at hinaplos iyon. "You're so..." binitin ko ang sasabihin habang nakatitig sa guwapo niyang mukha. "ugly Logan." Dagdag ko ng nakangisi pero imbis na mainis ay natuwa pa siya. Eh?
"That's my cute and adorable sonnenschein." Nakangiti niyang sabi tapos ay sumeryoso ang mukha. "Nag-agahan ka na?" Sa tanong niyang iyon ay biglang kumalam ang sikmura ko na mahina niyang ikinatawa. He's really handsome when he laugh. "I guess, not yet. Let's have a breakfast together then."
Hindi pa man ako nakakapagsalita ay hinila na niya ako palabas ng kumpulan ng mga estudyanteng nanonood sa amin.
"Go Savannah!" Sigaw ni Wren.
Binalingan ko siya ng nakakamatay na tingin na ikinatikom ng bibig niya. May saltik talaga ang isang 'yon.
Muling bumaling ang pansin ko kay Logan nang humigpit ang pagkakahawak niya sa kamay ko. "Thank you for saving me." Wika niya na ikinakunot ng noo ko.
"Huh?" Naguguluhang naiusal ko.
"Those girls are really annoying. Nakakainis pakinggan ang kanilang mga papuri."
"Bakit? Magaganda naman ang mga sinasabi nila tungkol sa 'yo ah."
Nilingon niya ako. "Anong maganda? Hindi iyon maganda sa pandinig." Muli niyang ibinalik ang tingin sa daan.
Sinilip ko ang mukha niya. Salubong ang mga kilay niya't matalim kung tumingin pero hindi ko alam kung bakit ang guwapo niya pa rin sa paningin ko.
"Ang gwapo mo." Hindi ko maiwang ikomento.
Mas lalong nagsalubong kilay niya't sinamaan ako ng tingin. "Isa ka pa eh." Sa bi niya saka madilim ang mukhang muling itinuon ang tingin sa daan.
Nakamot ko ang ulo. What a weird man. Sinasabihan na nga ng guwapo ay ayaw pa. Kung sina Jett, Wyatt at Ryder lang siguro ang pinuri ko ng guwapo ay pagmamayabangan pa nila ako. Ganoon kataas ang tingin nila sa kanilang sarili.
Nang makapasok kami sa cafeteria ay sa counter agad ang diretso namin para mamili ng makakain.
"Anong gusto mo?" Tanong niya nang nasa tapat na kami ng mga nakahilerang mga pagkain.
Kung tratuhin niya ako ay para niya akong girlfriend kahit ang totoo ay hindi naman talaga at nakakalito ang mga ganitong ikinikilos niya.
"Kahit ano na. 'Di naman ako mapili."
Bigla siyang lumingon at ngumisi. "Kahit ako?"
Panandalian akong napatitig sa kaniya. Inaalam kung ano ang ibig niyang sabihin at nang mapagtanto kong iba ang kahulugan niyon ay malakas ko siyang sinuntok sa balikat na ikinangiwi niya sa sakit.
"Loko ka rin ano?" Naiinis kong sabi.
Ramdam ko ang mga matang nakatingin sa amin nagyon. Rinig ko rin ang mahihina nilang bulungan at ang ilang impit ng kilig sa paligid. Tsk.
"Relax Savannah, binibiro ka lang." Natatwang aniya. Nakakapanibago pa rin talaga ang pagkakaroon ng emosyon sa mukha niya. Parang hindi ako sanay.
"Hoy, kayong dalawa, dalian niyo dahil nagugutom na ako." Tinig ng isang lalaki sa likuran ko.
Hindi ko nagustuhan ang tono ng kaniyang pananalita. Nagmamayabang at may pagkamaangas. Humarap ako sa kaniya. Hindi man lang ito nasindak sa masamang tingin na ipinukol ko.
"Ang mayabang palang may-ari ng paaralan ito. Dalian niyo nga ng lampang 'yan, nagugutom na kami at hindi lang para sa inyo 'tong cafeteria." Maangas nitong sabi habang pinapaikot sa daliri ang hikaw niyang pahaba. Hindi siya pangit pero mukha naman siyang addict. "Ano? Tutunganga ka nalang ba ri--" hindi nito natapos ang sasabihin nang may lumipad na plato mula sa likuran ko at tumama iyon sa mukha niya dahilan para mapayuko siya't mapadaing sa sobrang sakit. Agad na lumapit sa amin ang isang staff ng cafeteria para linisin ang nabasag na pinggan.

BINABASA MO ANG
The Emotionless Cold Nerd (Completed)
General FictionEveryone admire, respect, and fear Savannah Hernandez. She's not the type of person to be humble when she's hurt. She also never let anyone to dictate her because she has her own decisions in everything she does.But, when it comes to Logan Griffin...