Pabagsak akong naupo sa couch dito sa salas ng condo ko nang makauwi ako. Ang maghapong magulong isip ko ay mas lalo pa yatang gumulo.Paano niya nagawang saluhin ang kutsilyong ibinato ko sa kaniya? Paano niyang nagawa iyon gayong sobrang bilis ng ginawa ko? Paano niyang naramdaman 'yon gayong sigurado akong walang ingay ang naging pagkilos ko?
"At anong sabi niya? Against the law of this University? Nagpapatawa ba siya? As if namang sumusunod ako sa law ng school kapag naasar ako." Inis kong ginulo ang buhok ko. Ito na ba 'yong sinsabi ni lolo? "Hayst!" Muli kong ginulo ang buhok ko at natigil lang nang makita ko ang cellphone kong umiilaw na nasa ibabaw ng round table.
Kinuha ko 'yon saka sinagot ng hindi na tinitignan kung sino ang tumatawag.
"Ate! Alisin mo na kasi 'tong si Phoebe (Febe) sa buhay ko! Nakakabuwiset na ako! Hoy babae akin na 'yang bag ko! Saan mo dadalhin 'yan ha?" Nailayo ko ang cellphone sa tainga ko dahil sa malakas na sigaw na iyon ni Gavin. Nagtatakang muli kong inilapit ang cellphone sa tainga at pinakinggan ang nangyayari sa kabilang linya.
"Kailangan na nating umuwi." Wika ni Phoebe sa seryosong tinig. Ang assassin na hinire ko para bantayan si Gavin dahil sa loko loko ito at kung saan saan na lang pumupunta. Minsan pa'y hindi papasok.
"Ayoko pa nga! Mauna ka na kasi! Kaya ko namang umuwi ng wala ka! F*ck! Akin na sabi 'yang bag ko eh!"
Muli kong nailayo ang cellphone sa tainga ko dahil sa galit na galit na sigaw ni Gavin.
"Ayaw mong umuwi ha." Boses iyon ni Phoebe. Mukhang nagtitimpi.
"AAAAAHHHHHHHHH!" Napatakip ako ng tainga nang marinig ang mas malakas na sigaw ni Gavin. "Ate tulungan mo 'ko! Minamaltrato ako ng babaeng ito!" Nakikiusap na sigaw niya sa kabilang linya. "Aray! Bitawan mo ang kamay ko. Ouch! F*ck! Damn it! Damn it! Damn it!"
Nakamot ko ang ulo ko. Nalilito sa nangyayari.
"Ang tigas tigas naman kasi ng ulo mo! Sinabi ko nang umuwi na tayo dahil pagabi na at hindi lang ikaw ang kailangan kong asikasuhin! Bakit ba ayaw mong makinig ha! Ikaw Gavin kung hindi lang malaki ang utang naloob ko sa ate mo, hindi kita babantayan! Pikon na pikon na ako sa 'yo!" Mukhang galit na galit nabg sigaw ni Phoebe.
"Kung pikon na pikon ka na pala, bakit hindi mo na lang ako iwan ha?"
"Inuubos mo talaga ang pasensya ko ha."
Napapikit ako nang marinig na naman ang malakas na sigaw ni Gavin. Halatang namimilipit ito sa sakit.
"Tama na! Tama na! Ang sakit! F*ck! F*ck! F*ck! Ouch sorry na uuwi na. Damn! Bitawan mo na ang kamay ko ang sakit sakit. F*ck!"
Imbis na maawa sa kaniya ay malakas akong natawa. Sa lahat ng hinire ko na magbabantay sa kaniya ay kay Phoebe lang siya nakakasuko.
"Good boy." Ani Phoebe.
Natatawang pinatay ko ang tawag.
Ihinilig ko ang ulo sa sandalan ng couch. Ipinikit ko ang mga mata ngunit agad ding napamulat nang maglarawan sa paningin ko ang mukha ni Logan.
"Aaarrgghhh! Bakit ba siya na lang palagi ang laman ng isip ko?" Naiinis kong tanong sa kawalan.
"Sinong siya Savannah?"
Nabaling ang tingin ko sa bandang kusina ng nang marinig ang baritonong boses na 'yon. Agad na nagsalubong ang kilay ko nang makita si Jett.
"Anong ginagawa mo rito sa condo ko ha?"
BINABASA MO ANG
The Emotionless Cold Nerd (Completed)
Fiksi UmumEveryone admire, respect, and fear Savannah Hernandez. She's not the type of person to be humble when she's hurt. She also never let anyone to dictate her because she has her own decisions in everything she does.But, when it comes to Logan Griffin...