Chapter 24

2.3K 80 5
                                        

Lumipas ang linggo at lunes na naman. Malamang ay may klase na naman. Tang*na. Nakakatamad pumasok.

Napabalikwas ako ng bangon mula sa pagkakahiga sa kama nang makarinig ako ng sunod sunod na doorbell.

Pagkatapos ng nangyari kahapon ay nagawan ko rin ng paraan para maibalik sa ayos ang lahat ng mga nasirang kagamitan sa bahay ko. Hindi rin ako nagpapilit na tumira sa mansion. Nasanay na kasi akong tumira rito kaya parang ang iwan ang lugar na ito ay mahirap na para sa akin.

Tinatamad akong umalis sa kama. Magulo ang buhok, hindi pa nakakapaghilamos at nakakapag sepilyo ay lumabas na akong kuwarto habang kinukusot ang kanang mata. Inaantok pa ako...

Ininat-inat ko ang braso habang pababa ng hagdanan. Mabagal ang bawat hakbang. Sobrang tinatamad.

Nang nasa tapat na ako ng pinto ay pinihit ko ang door knob pabukas habang naghihikab at nakapikit. Nang imulat ko ang mata ay halos mapatalon ako sa sobrang gulat nang mapagsino kung sino ang kanina pang sunod-sunod na nagdo-doorbell. Mabilis kong isinara ang pinto at nagmamadaling tumakbo paakyat ng hagdanan patungong kuwarto ko.

Muli kong narinig ang sunod-sunod na tunog ng doorbell pero hindi ko iyon pinansin. Sa halip ay mabilis akong pumasok sa banyo. Hinablot ang sepilyo at mabilis iyong nilagyan ng toothpaste. Halos magkasugat ang bagang ko sa sobrang pagmamadali kong linisan ang ngipin ko.

Nang matapos ay mabilis din akong naghilamos saka dali-daling lumabas ng CR. Patuloy pa rin ang pagtunog ng doorbell. Mas lalo namang hindi ko alam ang gagawin. Hindi magkandauga-ugang tumakbo ako palapit sa mga gamit ko. Mabilis na nagsuklay at napapangiwi minsan dahil halos magkasugat ang anit ko sa sobrang pagmamadali at lakas ng pagsuauklay ko sa buhok ko.

Nang matapos ay dali-dali akong lumabas ng kuwarto. Sobrang lalake ng hakbang ko sa bawat pagtakbong ginagawa ko. Muntik pa akong matapilok dahil sa kamamadaling bumaba sa hagdanan. Ang tatlong hakbang ng hagdanan ay naging isang hakbang ko na lang.

Habol ko ang hininga nang nasa tapat na ako ng pinto. Napahawak ako sa tuhod ko dahil sa sobrang pagkahingal. Ilang sandali akong ganoon lang bago inayos ang pagkakatayo. Huminga ng malalim at muling pinihit ang doorknob ng pinto pabukas ng may matamis na ngiti sa mga labi.

"Hi Logan? Hindi ko inaasahan ang presensya mo rito ah. Bakit ka narito?" Tanong ko. Naroon pa rin ang matamis na ngiti sa mga labi.

Mataman niya akong tinitigan bago malamig na nagsalita. Naglaho ang mga ngiti ko sa lamig ng pagtrato niya sa akin."A delivery from Love Café, ma'am."

Naglabas siya ng maliit na papel at ballpen pagkatapos ay iniabot iyon sa akin. Tinignan ko lang ang papel saka lakas loob na sinalubong ang kaniyang malamig na tingin. Kahit sa loob loob ko ay ilang na ilang ako.

"Kanino raw 'yan galing? Sa pagkakaalala ko ay hindi naman ako nagpa-order." Pagsusungit ko. Sinusubukang itago ang kabang nararamdaman. Lihim ding sinasaway ang puso kong sobrang bilis ng pagtibok. "Tsaka, kailan ka pa naging delivery boy?" Gusto kong batukan ang sarili sa huling itinanong. Ano namang pakialam ko kung delivery boy siya? Malamang hindi siya ang tipo ng taong maraming pera kaya kailangang kumayod.

"From Ryder Becker ma'am." Walang emosyong sagot niya. Hindi man lang pinagkaabalahang sagutin ang tanong ko.

Hindi ko alam pero bigla na lang akong nainis sa isiping wala man lang siyang naging tugon sa huling tanong ko. Inis kong hinablot ang papel at pumirma roon.

Hinablot ko ang kamay niya na isang malaking pagkakamaling nagawa ko dahil mas lalo lang bumilis ang pagtibok ng puso ko. Pinagpapawisan na rin ng maliliit ang noo ko. Mabilis kong inilagay sa kamay niya ang ballpen at papel saka pabagsak na binitawan ang kamay niya.

The Emotionless Cold Nerd (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon