Habang naglalakad sa hallway ay lutang pa rin ako. Ang utak ko, malayo na ang nalakbay at puro katanungan ang laman.
Kung ganoon naman pala ang itsura niya, bakit pa siya nagpapanggap na nerd na loser at pangit? At ang tanong, ano ang dahilan kung bakit niya iyon ginagawa?
Base rin sa bilis ng bawat galaw niya, hindi siya iyong tipo ng taong lalampa lampa lang. Bigla tuloy pumasok sa isipan ko ang lalaking naka-encounter ko noon sa Farranew Hotel. Pareho sila ng lamig kung tumingin. Pareho sila ng height, ng hugis ng katawan at pareho ng bilis.
"Hayst! Mabababliw ako kakaisip nito!" Marahas kong ginulo ang buhok ko ngunit agad ding natigilan nang may mga paang huminto sa harap ko. Umangat ang tingin ko at si Finn lang pala iyon na may dalang Tupperware.
"Ayos ka lang?" Tanong niya. Tango lang ang isinagot ko at akmang papasok na sana sa unit ko nang magsalita siya. "Wait," pigil niya sa akin. Liningon ko naman siya. "Para sa 'yo." Sabi niya sabay abot ng tupperware na may lamang ulam. Kinuha ko iyon at akmang bubuksan ulit ang pinto ng unit ko nang muli siyang magsalita. "Puwedeng pumasok?" Muli ko siyang nilingon. Ang mga mata niya ay puno ng kalungkutan pero ang bibig niya ay nakangiti.
Nagbuntong hininga ako't binuksan ang pintuan saka niluwagan ang pagkakabukas niyon para makapasok siya.
Gumuhit ang isang matamis na ngiti sa kaniyang mga labi. Nakangiti siyang pumasok. Pumasok na rin ako at isinara ang pinto saka siya hinarap.
"Sa salas ka muna. Maliligo lang ako." Sabi ko sa kaniya.
"Sige."
Tinalikuran ko na siya't nagtungong kusina para ilagay doon ang ulam. Noon ko lang din naisip na hindi pala ako marunong magsaing! Bumaba ang tingin ko sa hawak na ulam. Kakainin kita ng walang kanin?
Nanlulumong inilagay ko sa Ref ang ulam saka lumabas ng kusina. Teka, pwedi naman akong umorder ah. Tapos pwede ko na iyong ulamin. Matamis akong ngumiti. What a brilliant idea Savannah.
Nabaling tingin ko sa salas nang marinig ko ang ingay ng TV. Namataan ko roon si Finn na nanonood ng movie. Seryoso ang mukha nito habang salubong ang dalawa niyang mga kilay. Iniiwas ko ang tingin sa kaniya't tinungo ang kuwarto ko.
Pagpasok ko sa kuwarto ay agaran kong hinubad ang mga saplot ko sa katawan saka pumasok sa banyo para maligo.
Matapos maligo ay agad din akong nagpalit. Nagpatuyo ng buhok at nagsuklay. After few minutes, tapos na rin ako kaya agad din akong lumabas ng kuwarto habang ibinubulsa sa suot kong short na hanggang tuhod ang cellphone.
Dumeretso ako sa salas para tignan kung ano na ang ginagawa ni Finn. Mahimbing itong natutulog sa mahabang sofa habang ang TV ay bukas.
Inayos ko ang pagkakaunan niya para hindi siya mangalay pati paa niya ay inayos ko rin dahil nakababa ang isa niyang paa sa tile.
Nang maayos ko na ang pagkakahiga niya ay dahan-dahan kong kinuha ang remote na nasa kamay niya saka pinatay ang TV. Napatingin ako sa wall clock na nakasabit sa itaas ng TV. Mag-aalsyete na pala ng gabi.
Umalis ako sa sala saka inilabas ang cellphone ko at nag-order ng pagkain sa pinaka malapit na restaurant. Matapos ay ibinulsa ko ang cellphone ko at pumasok ako sa kusina para kumuha ng wine at wine glass. Pagkalabas ko ay tinungo ko ang balkonahe at naupo sa railings niyon. Binuksan ko ang wine at nagsalin ng kaunting alak sa baso ko saka uminom ng kaunti.
BINABASA MO ANG
The Emotionless Cold Nerd (Completed)
Ficción GeneralEveryone admires, respects, and fears Savannah Hernandez. In the eyes of other people, she's a beautiful heiress from a well known family. But in the eyes of her friends, she's a cold hearted assassin who'll kill without a second thought. She's not...
