Chapter 85

1.9K 46 1
                                        


"Sigurado ka bang papasok ka ngayon?" Tanong ni Logan habang nag-aagahan kami sa balkonahe ng kuwarto ko. Mabuti na lang at marunong magluto si Katherine kaya may tagaluto na kami ngayon. Hehehe.

"Oo. Bakit?"

"That still hurt." tukoy niya sa pagitan ng mga hita ko.

Sumimsim ako ng kape't kumagat ng slice bread saka sinalubong ang kaniyang tingin. "That wound is not that big. I can handle it." 

Nangalumbaba siya't tumitig sa akin. "Alam mo, ang tigas ng ulo mo."

"Malamang may bungo." Sarkastikong sabi ko. Sinamaan niya ako ng tingin ngunit imbis na magpaapekto ay itinuon ko na lang ang pansin sa kinakain.

"Siya nga pala, uuwi na muna ako. Gusto mong ihatid kita sa University?"

Tinaasan ko siya ng kilay. Mula nang magising ako ay nagmistulang nurse na siya sa akin. Wala na siyang ibang ginawa kung hindi ang alalayan ako at alagaan ako. Kung hindi ko nga lang siya pinatigil ay siya na rin ang magpapahigop sa akin ng kape at magpapakain. Kung umakto siya ay akala mo namang wala akong mga kamay. Tsk. Ang OA niya.

"Ang OA mo. Kung makaalaga ka, akala mo namang may malala akong sakit." Walang ganang sabi ko sa kaniya.

Nagbuntong hininga siya. "Natatakot lang ako na bigla kang magkasakit. At nag-aalala lang din ako na baka nahihirapan kang maglakad kasi alam mo na."

Nginisian ko siya nang mapansing parang hindi niya kayang ituloy ang sinasabi. "Anong alam ko na?" Sinamaan niya ako ng tingin pero tinawanan ko lamang siya.

"I really hate your mouth since this morning."

"Hate mo eh lagi mo namang hinahalikan." Naitikom ko ang bibig nang taliman niya ako ng tingin. "Nga pala, tapos na ako." Sabi sabay abot sa kaniya ng platong may laman na kalahating piraso ng bread na may palamang peanut butter.

"Kalahati lang ang kinain mo. Ubusin mo 'yan."

Nginiwian ko siya. "Wala 'kong ganang kumain ngayon eh."

"Savannah?" Banggit niya sa pangalan ko nang may pagbabanta. Kung umakto ang damuhong 'to, mas strikto pa siya sa mga magulang ko.

"Lumayas ka na nga. Kanina ka pa oa." Mainit ang ulong pagpapaalis ko sa kaniya ngunit hindi na yata talaga ako mananalo sa isang to dahil ang strikto niyang mukha ay nakakatakot na ngayon. I tsk saka hinablot ang slice bread at inisahang subo 'yon.

"Ang pangit mo talaga kumain." Kumuha siya ng tissue at pinunasan ang peanut butter na nagkalat sa gilid ng labi ko. "Tubig." Sabi niya sabay abot sa akin ng tubig.

Agad ko naman 'yong kinuha at ininom. Iniligpit niya lahat ng pinagkainan ko saka siya dumukwang at hinalikan ako sa noo.

"Aalis na ako. Kita na lang tayo sa University." Nakangiting paalam niya.

"Sige ingat sa multo."

Walang gana niya akong tinignan. "Walang multo sa umaga ano."

"Mayroon, Zombie."

"Hindi mo ako maloloko." Sabi niya sabay talikod sa akin.

Nang mawala siya sa paningin ko ay inayos ko ang pagkakasandal ng likod ko sa sandalan ng upuan. Chineck ko ang oras sa wrist watch ko at maaga pa naman. Tapos na rin akong maligo dahil pinaliguan na ako ni Logan kanina. Noong mga oras na inaatake siya ng pagiging OA.







LOGAN's POV

"Aalis ka na?" Tanong ni Katherine na nakasalubong ko.

"Oo. May aasikasuhin pa ako eh." Pagrarason ko. .

The Emotionless Cold Nerd (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon