Nang magising ay wala na si Logan sa tabi ko. Marahil ay umuwi na siguro ngunit nabaling ang tingin ko sa pinto ng banyo nang bumukas 'yon at lumabas si Logan na naka-topless at mukhang katatapos lang maligo dahil basa pa ang buhok nitong blonde na kinukusot gamit ang tuwalya.Ngayon ko lang nakita ang katawan niya at ang ganda ng pagkakahulma niyon. Matitipuno at ma-muscle. Gustuhin ko mang iiwas ang tingin sa kaniya ay hindi ko magawa. Para bang napako na roon ang mga mata ko.
"Enjoying the view mein sonnenschein?" Tanong niya saka nag-angat ng tingin sa akin ng nakangisi.
Pinaseryoso ko ang mukha. "Ano? Enjoying the view? Mahiya ka nga, hindi ako ang tipo ng babaeng naaatract sa katawan ano kaya 'wag kang feeler."
Naiiling na naglakad siya patungong direksiyon ko. Iniiwas ko ang tingin sa kaniya saka ininat ang mga braso ko at bumaba ng kama para magtungong banyo.
Akala ko ay lalampasan niya ako ngunit nahigit ko ang hininga ko nang bigla na lamang siyang tumayo sa harap ko at nakangising inilapit ang mukha sa mukha ko.
Napakurap kurap ako dahil sa ilang pulgadang pagitan ng mga mukha namin. Titig na titig siya sa akin at hindi ko maiwasang mailang at mahiya dahil hindi pa ako nakakapagsepilyo at mas lalong hindi pa ako nakakapaghilamos!
"Good morning my beautiful sonnenschein." Nakangiting bati niya sa akin saka ako masuyong hinalikan sa noo. "Maligo ka na. Uuwi lang ako at sabay tayong mag-aagahan ngayon."
Bahagya akong lumayo dahil sa nakakailang na pagitan naming dalawa ngunit humakbang rin naman siya palapit sa akin.
Atras lang ako nang atras hanggang sa mamali ako ng tapak dahilan para madulas ako ngunit bago pa ako matumba ay nasalo na ako ni Logan pero ang kaliwang kamay ko ay tumama sa isang bagay dahilan para makaramdam ako ng hapdi mula roon.
Inayos ni Logan ang pagkakatayo ko. Nasa akin ang mga mata niya ngunit ang mata ko ay nasa bagay na tinamaan ng kamay kong ngayon ay sobrang hapdi. Susi pala iyon ng pinto na nakatagilid. Masyado sigurong malakas ang pagkakatama ng kamay ko roon dahilan ng paghapdi ng palad ko.
Nabaling ang tingin ko kay Logan nang hawakan niya ang kamay ko. Noon ko lang din napansing dumudugo na pala iyon.
"May sugat ka." Seryoso ang mukhang sabi niya saka ako hinila at pinaupo sa kama. Humugot siya ng ilang piraso ng tissue at maingat na pinunasan ang dugo na kamay ko. "Hawakan mo." Utos niya. Sinunod ko naman siya. "Nasaan ang first aid kit mo?"
"Nasa loob ng banyo sa maliit na kabinet sa itaas."
Dali-dali siyang umayos ng tayo at pumasok ng banyo. Paglabas niya ay dala-dala na niya ang first aid kit tapos ay lumuhod siya sa harap ko at inilabas mula sa first aid kit ang isang betadine at cotton na ikinalunok ko.
"Hehehe. Ako na lang ang gagamot ng kamay ko." Kinakabahang sabi ko.
Nag-angat siya ng tingin. Matalim iyon at nakakatakot kaya hindi na ako nakaangal pa. Tahimik niyang idinampi sa kamay ko ang cotton na may betadine na ikinasigaw ko dahil mas lalong humapdi ang kamay ko
"Dahan-dahan m-masakit."
"Savannah, kaunting dikit lang ito, nasasaktan ka na?" Walang ganang tanong niya.
"Eh sa masakit naman talaga eh." Naiinis na reklamo ko.
"Eh anong gusto mo? Sobrang dadahan-dahanin ko?" Sarkastikong tanong niya.
"Kung puwede ay oo. O-ouch m-masakit." Reklamo ko ulit.
"Masakit na para sa 'yo 'to?" Parang hindi makapaniwalang tanong niya.
![](https://img.wattpad.com/cover/200171053-288-k262082.jpg)
BINABASA MO ANG
The Emotionless Cold Nerd (Completed)
General FictionEveryone admire, respect, and fear Savannah Hernandez. She's not the type of person to be humble when she's hurt. She also never let anyone to dictate her because she has her own decisions in everything she does.But, when it comes to Logan Griffin...