Chapter 63

1.6K 57 2
                                    


"Narito nga pala si Kath." Sabi ko sa mga kaibigan ko habang ngumunguya ng chocolate na bigay ni Logan at maayos ang pagkakaupo sa ilalim ng puno.

Nasa Garden kaming lahat kasama si Logan na nakahiga sa hita ko habang nakapikit ang mga mata. Maaga pa kasi at mayamaya pa magsisimula ang klase nila. Ang Music Hall naman ay hayun, nililinis ng mga janitors.

"Sa University?" Tanong ni Wren na sa akin nakatingin.

"Oo." Sagot ko at mabilis na tinapik ang kamay niyang akmang kukuha ng chocolate.

"Ang damot mo." Nakasimangot niyang sabi.

"Ako lang puwedeng kumain nito kaya 'wag kang ano riyan." Natatawa kong sabi sa kaniya na ikinaikot ng mga mata niya. Si Ryder naman na nasa ugat ng puno nakaupo ay malakas na nagtsk habang nagbabasa ng libro.

"Kung narito si Kath, kumusta naman ang condo mo?" Natatawang tanong ni Gianna.

"Hayun, inaayos nila Johnny." Sabay-sabay silang natawa dahil sa sinabi ko maliban syempre kay Ryder na wala namang pakialam sa paligid. Nagmulat naman ng mata si Logan na nasa hita ko.

"Who's that Kath my sonnenschein?" Tanong niya habang salubong ang mga kilay. Nangingiting pinindot ko ang salubong niyang kilay na ikinangiti niya. Baliw.

"Pinsan 'yon ni Savannah." Si Wren ang sumagot.

Hindi na nagsalita pa si Logan at bigla nalang siyang tumayo saka ako mabilis na hinalikan sa pisngi. "Magiging abala ako ngayon. Baka mamayang hapon pa ako makakapagpapakita sa 'yo."

"Okay lang. I understand."

Muli niya akong hinalikan sa pisngi at sumenyas sa ibang aalis na.

Mahabang katahimikan ang bumalot sa amin nang makaalis na siya. Walang nagsalita hanggang sa may pumutol ng katahimikang bumabalot sa amin.

"Kanina pa ako naglilibot sa University narito lamang pala kayo?" Tanong iyon ng bagong dating na hindi ko man lang tinapunan ng tingin dahil nasa kinakain kong tsokolate ang buong pansin ko.

"Kath? Is that you?" Boses 'yon ni Wren.

"Yup." Bakas ang kasiyahan sa boses ng tinanong.

"Wow... ang ganda ganda mo na ah." Bakas ang galak sa boses ni Wren tapos ay bigla na lamang silang nagyakap sa harap ko pa mismo. Tsk.

"Musta na?" Naroon ang kagalakan sa boses ni Kath na tinanong ang kaharap.

"Heto, maganda pa rin."

Nag-angat ako ng tingin sa dalawang nag-uusap. Malapad ang mga itong nakangiti sa isa't isa na para bang siyang siya.

"Ang dapat mong sabihin ay tsismosa pa rin." Kontra ni Wyatt sa sinabi ng kakambal.

"Malamang. Talento ang pagiging tsismosa ano." Pagtatanggol ni Wren sa sarili.

"Hindi 'yon talento small sister, sa iyong kondisyon. Malalang kondisyon na kailangang iwasan dahil nakakahawa." Tumalim ang mga mata ni Wren saka patalikod na sinipa ang kakambal dahil nasa likuran niya ito ngunit mabilis namang nakailag ang huli. "Tsk, kahit ang mga paa mo ay nagsasabing maliit ka." Dagdag pa ni Wyatt na ikinadilim ng mukha ng inaasar.

Imbis na pagtuunan ng pansin ang kaninang kausap na ngayo'y tawa nang tawa sa kanila ay galit na hinarap ni Wren ang kakambal.

"Ganiyan ba dapat ang tamang pagtrato sa isang nakakatandang kapatid ha?" Nanlalaki ang mga matang tanong ni Wren sa kakambal.

"Ganiyan ba dapat ang tamang pagtrato sa isang nakakatandang kapatid ha?" Panggagaya ni Wyatt sa kakambal at ginaya pa nito ang paraan ng pagsasalita ni Wren.

The Emotionless Cold Nerd (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon