SAVANNAH's POV
Badtrip na minaneho ko ang sasakyan patungong bahay ni Logan. Naiinis pa rin ako kay Wyatt at gusto ko pa sana siyang puruhan kaso ay nasa prisinto kami. Hinugot ko ang cellphone ko sa bulsa't dinial ang number ni Logan. Mabilis naman niya 'yong sinagot.
"Miss mo na ba ako kaagad?" Bungad niya sa akin. Tsk.
"Nariyan ka ba sa bahay mo?"
"Oo bakit?"
"Nakapag-lunch ka na?"
"Mmm.... Not yet. Why?"
"Dadaanan kita riyan. May pupuntahan tayo." Sabi ko't walang paalam na pinatay ang tawang.
Iniliko ko ang sasakyan at ilang minuto pa akong nagmaneho bago narating ang bahay niya. Agad akong lumabas ng sasakyan at nagdoorbell sa gate nila.
Ilang sandali ang lumipas ay nagbukas din ang gate at niluwa niyon si Levi na mukhang may importanteng lakad base sa suot nito.
"Hey." Pansin nito sa akin.
"Mmm. Mukhang may lakad tayo ah."
"Ah, my urgent meeting ako. Siya, maiiwan ko muna kayo." Aniya't lumabas ng gate ngunit nakakailang hakbang palang ito ay bigla siyang lumingon. "Siya nga pala, 'wag muna maging agrisibo. Ang bata ko pa para maging tito pero kung hindi na kayo makatiis, okay lang din sa akin." Dagdag niya. Magsasalita pa sana ako nang bigla siya pumasok sa sasakyan niya't mabilis iyong isinara saka nagmaneho paalis.
Anong ibig niyang sabihin? Nagkibit balikat ako't pumasok sa loob. Agad na ipinalibot ko ang tingin da loob ng bahay nang tuluyan akong makapasok. Nang hindi ko siya makita ay tinungo ko ang kusina. Wala rin siya roon. Baka nasa taas kaya umakyat ako ng hagdanan.
Minsan lang ako magpunta sa bahay niya kaya nakakapanibago. Parang lingo-lingo ay binabago niya ang disenyo nito. Pansin ko rin ang maraming decorations ng bahay niya. Hindi katulad ng condo ko na mahal nga ang mga kagamitan, wala namang disenyo. Ewan ko ba. Parang ang sakit sa mata ng mga diseny disenyo na 'yan.
Pagpasok kong kuwarto niya ay ipinalibot ko ang tingin sa loob. Wala siya. Nabaling ang tingin ko sa balcony. Wala rin siya roon. Saan kaya nagpunta 'yon? Aalis na sana ako nang makarinig ako ng lagaslas ng tubig sa banyo. Mukhang naliligo yata siya.
Isinara ko ang pinto. Dahil wala akong magawa ay nagtingin tingin na muna ako sa mga gamit niya. Sa kakalakad ko ay tumigil ang mga paa ko sa study table niya. Mayroon doon na malaking libro na katulad ng isang scrap book. Sa curiuos ay binuksan ko 'yon at tinignan ang laman.
"Love is like a paradise. Wonderful and amazing." Basa ko sa nakasulat sa unang pahina ng scrap book. Dahil gusto kong malaman ang laman ng scrap book ay inilipat ko iyon sa ikalawang pahina pero wala na 'yong kasunod pa. Nilipat ko sa iba pang pahina ang scrap book ngunit wala na akong makita. Nagkibit balikat ako't isinara ang scrap book. Tinungo ko naman ang mini library niya. Naghahanap ng nobela or comics na puwedeng mabasa ngunit puro tungkol lang sa medicine ang laman niyon.
"Ano ba yan... hindi ba uso sa lalaking 'yon ang magbasa ng iba pang libro maliban sa mga 'to?" Naiiling na ibinaling ko ang tingin sa iba pang mga gamit niya.
Nabaling ang tingin ko sa nag-iisang malaking picture frame na nakasabit malapit sa kama. Nilapitan ko 'yon at sinipat. Noon ko lang napagtantong hindi pala iyon larawan kundi isang painting na inilagay sa malaking frame. Nakakamangha. Bawat anggulo ng mukha ko ay kuhang kuha. Ang galing. Sino kaya ang nagpinta nito?
Natigil ako sa pagsipat ng painting nang may medyo basa pang mga braso ang pumalibot sa katawan ko. Kahit 'di ko siya lingunin ay alam kong nakatopless lang siya. Hindi ko siya hinarap hinayaan ko lang siya.
BINABASA MO ANG
The Emotionless Cold Nerd (Completed)
General FictionEveryone admires, respects, and fears Savannah Hernandez. In the eyes of other people, she's a beautiful heiress from a well known family. But in the eyes of her friends, she's a cold hearted assassin who'll kill without a second thought. She's not...
