Prologue

11.8K 238 9
                                        

"Bakit hindi ka lumaban!" Galit na sigaw ko sa kaniya. Nakakapikon ang ugali niyang hinahayaan lang ang iba na apihin siya. He has a well built body so what's his problem? Is he that cowardly to let other people belittle him? What's that body for? A display?

"Never stand in front of me again when I'm in trouble, it annoys me." Sa halip ay malamig niyang sinabi.

Sarkastiko akong natawa. "So anong gusto mong gawin ko? Hayaan na lang silang gawin ang mga iyon sa 'yo kung kaya ko naman silang pigilan? Sana nga ay kaya kong makita kang ginaganon. Eh 'di sana hinayaan na lang kitang kutyain, batuhin ng kung anu-ano, insultuhin ng iba at pagtawanan! Sa tingin mo, natutuwa akong may pakialam ako sa 'yo? Hindi! Naiinis ako! Nabubuwiset ako!" Kung bakit kase affected ako sa mga nangyayari sa kanya!

"Wala akong pakialam sa nararamdaman mo sa tuwing nakikita mo ako sa ganoong sitwasyon." Mas humigpit ang pagkakahawak ko sa kuwelyo niya. Naiinis ako at the same time ay nahihiya dahil sa rami ng mga estodyanteng nanonood sa amin ngayon. "Please lang, lumayo ka sa akin. Kaya ko ang sarili ko nang wala ang tulong mo." Hinawakan niya ang mga kamay kong nasa kuwelyo niya at marahas iyong ibinaba.

Napatungo na lang ako. Naiininis ako sa isiping may pakialam ako sa kaniya na hindi ko naman dapat nararamdaman. We're strangers so what's wrong with me? Why do I care?

Ramdam ko ang mga titig niya sa akin ngunit ilang sandali lamang ay tinalikuran  rin niya ako at parang walang nangyaring naglakad palayo.

"Kung kaya lang sana kitang layuan ay baka matagal ko nang ginawa. Hindi naman kita kaanu-ano pero ganito na lang ako kung mag-alala sa 'yo." Bulong ko at nailing . "I hate that a nobody like you has these strong effects on me. And I hate the fact that you're just an emotionless cold nerd whom I really cared about the most."

The Emotionless Cold Nerd (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon