Ngumunguya ako ng bubble gum habang tinatahak ang daan patungong department namin. Kalmado na ang pakiramdam ko dahil nakasapak na ako. Hindi gaya kanina na sobrang buwiset ako."Bulaga!" Napatalon ako sa gulat nang bigla na lang sumulpot si Wren sa harap ko mula sa makapal na bulaklak malapit sa entrance ng gusali.
"Tang*na! Ano na namang trip 'to?" Napipikong tanong ko dahil parang nahulog ang puso ko dahil sa ginawa niyang panggugulat.
Imbis na sagutin ako ay nakakaloko siyang ngumisi habang nagtataas baba ang mga kilay. "Ikaw ah. May hindi ka pala sinasabi sa amin ah."
"Ano na namang hindi ko sinasabi sa inyo?"
Humalakhak siya na parang baliw. "Akala mo hindi ko nakita ah." Sabi nito na ikinakunot ng noo ko.
"Ang alin?" Walang ganang tanong ko saka pinalobo ang bubble gum gamit ang bibig.
"'Yong kanina." Ngayo'y may bahid na ng panunudyo ang kaniyang mga mata.
"Anong kanina?"
Muling nagtaas baba ang mga kilay niya. "'Yong ginawa mo."
I looked at her flatly. "Anong ginawa ko?"
Naglaho ang nakakalokong ngisi niya't bigla na lang nagsalubong ang mga kilay niya."Ano ba naman 'yan Sav, ganyan ba ang tama ng pag-ibig sa 'yo? Nagiging slow?"
Inirapan ko siya. "Paano ko naman kasi maiintindihan 'yong nakita mo, 'yong hindi ko sinasabi sa inyo, at 'yong ginawa ko kanina eh ang dami kong ginawa. Alin dun?"
Muling bumalik ang kaniyang nakakalokong ngisi. "Na sinapak mo 'yong babaeng may gusto kay Logan. Akala mo siguro hindi ko nakita 'no?" Mapang-asar niyang sabi. "Grabe ka magselos. Nananapak." Malakas siyang humalakhak na ikina-poker face ko.
"Hindi ako nagseselos sa kaniya. Sinapak ko lang siya dahil naiinis ako." Pagrarason ko.
Umiling-iling siya. "You can't fool me Hernandez. Those act of yours and those emotions in your eyes, halatang nagseselos ka."
"Tsismosa ka talaga ano?"
Proud siyang ngumiti. "Savannah, gaya ng palagi kong sinasabi, talento ang pagiging tsismosa." She said then flipped her hair. "Pero idol na idol ko 'yong line mo kanina na, siya nga pala, hindi ka magugustuhan ni Logan dahil mas maganda pa ako kaysa sa 'yo.' Taray..."
Inirapan ko siya't nilampasan na.
"Hey, teka lang, kinakausap pa kita." Tawag niya.
Nagbingi bingihan ako't nagkunwaring hindi siya naririnig. Ang kausapin siya ay nakakasayang ng oras.
"Mr.BECKER!" Lahat kami ay nabaling ang tingin kay Ryder nang malakas na tawagin ng professor namin ang kaniyang apelyedo. Nakaunan ang kaniyang ulo sa arm chair ng kaniyang upuan. Natutulog.
Niyugyog siya ni Wren na siyang katabi nito sa upuan. Agad naman itong nag-angat ng tingin kay Wren. Nginuso ni Wren ang professor namin na ngayon ay hindi maipinta ang mukha. Sinundan niya ng tingin ang inginuso ni Wren.
"Yes sir?" Walang ganang tanong ni Ryder na tamad na nakatingin sa professor namin.
"Why are you sleeping at my class?" Istriktong tanong ng guro.
Naghikab si Ryder. "Inaantok sir." Sagot niya.
Nagsalubong ang kilay ni sir.Raven dahil sa sagot na iyon ni Ryder. "Inaantok? Bakit? Nabuburyo ka sa klase ko?" Nakapamaywang na tanong ng aming guro.
![](https://img.wattpad.com/cover/200171053-288-k262082.jpg)
BINABASA MO ANG
The Emotionless Cold Nerd (Completed)
General FictionEveryone admire, respect, and fear Savannah Hernandez. She's not the type of person to be humble when she's hurt. She also never let anyone to dictate her because she has her own decisions in everything she does.But, when it comes to Logan Griffin...