Chapter 68

1.6K 50 2
                                        

"Ito pa." Sabi ko saka siya binigyan ng canned beer nang maubos niya ang laman ng lata ng beer na hawak niya.

Anong oras na pero gising pa rin kami. Ewan ko kung makakapasok pa kami o baka hindi na. Baka nga siguro paggising ko ay anong oras na. Malapit na rin kasing mag alas kwatro ng madaling araw at hindi ko rin alam kung bakit hindi ako makaramdam ng antok. Ang nasa isip ko lang ay kailangan ko siyang damayan dahil alam kong kahit hindi man siya magsalita ay paniguradong nasasaktan siya.

"Anong oras na. Matulog ka na kaya? 'Wag mo na lang akong intindihin, wala lang 'to." Ani Logan pero imbis na intindihin ang sinasabi niya ay sinasabayan ko pa siya sa pag-inom dito sa kusina. Kanina pa siya umiinom at marami na rin siyang nainom pero mukhang napakataas ng tolerance ng isang 'to sa alak at 'di man lang malasing lasing.

Inisahang tungga niya ang laman ng lata. Kumuha naman ako ng isa at binuksan iyon saka iniabot sa kaniya na walang pag-aalinlangan naman niyang tinatanggap.

Inisahang tungga ko ang beer na nasa lata saka kumuha ng isa pa saka iyon binuksan at akmang iinomin na sana nang mabilis niya iyong agawin sa kamay ko't siya mismo ang uminom ng beer na dapat ay ako ang umiinom.

Tinaasan ko siya ng kilay nang ilapag niya iyon at wala ng laman. Akmang kukuha pa sana ako ng isa pang de latang beer nang tapikin niya ang kamay ko. Mataray ko siyang tinignan. Nakakatakot naman ang tingin na ipinukol niya sa akin kaya hindi ko maiwasang mapasimangot.

"Stop drinking. That's bad for your health." Masama ang tinging sabi niya. Ewan ko ba sa sarili ko kung nagpapa-cute ba ako oh kusa ko 'tong nararamdaman but there's something inside I want to scream like a kid and I want to pout so I did.

"Sanay na ako sa alak Mr.Griffin." Nakangusong sabi ko. Mas lalo akong sumimangot nang pitikin niya ang nguso ko.

"I don't care. And starting for today, you're not allowed to drink any kinds of alcohol understood?" Puno ng awtoridad niyang sabi.

Mabilis akong nagreact. "Kahit kaunti bawal?" Seryoso ang mukhang tumango tango siya. "Yaaa... ang daya naman no'n."

Tinaliman niya ako ng tingin na ikinatikom ng bibig ko. "Kapag sinabi kong bawal, bawal okay?"

Nginiwian ko siya. 'Eh 'di iinom ako nang hindi mo makikita.' Sa isip isip ko. Hindi ko alam kung mind reader ba 'tong tukmol na 'to dahil mas tumalim pa ang kaniyang tingin.

"Kung nagbabalak kang uminom ng alak ng hindi ko nakikita, 'wag mo nang ituloy pa dahil sinasabi ko sa 'yo, kung masama kang galitin, nakakatakot naman akong galitin." Puno ng pagbabantang sabi niya.

Inirapan ko siya't ihinilig ang ulo sa lamesa saka ibinaling sa ibang direksiyon ang tingin. So demanding. Kita ko sa sulok ng mga mata ko ang pag-angat ng kamay niya saka iniipit sa tainga ko ang ilang hibla ng buhok na tumatabing sa mukha ko. Bumaba ang kamay niya sa kanang pisngi ko at hinaplos haplos iyon.

"Look at me." Malumanay niyang utos. "Savannah?" May halong pagbabantang banggit niya sa pangalan ko. Napipilitan na ibinaling ko sa kaniya ang tingin at sinalubong ang kaniyang tingin. Kalmado ang kaniyang mukha habang ang mga mata niya ay puno ng pagmamahal na nakatitig sa akin. "Mahal lang kita kaya ayaw kong nag-iinom ka. Ayaw kong hindi ka maging healthy. Kung kaya ko lang gawin na ikaw na ang pinaka-healthyng tao sa mundo ay gagawin ko 'yon ngayon ngayon din."

Nangingiting nag-iwas ako ng tingin. Sinamahan pa kasi niya iyon ng pagkindat. Tang*nang 'to. Kinikilig ako! Buwiset! Nagbuntong hininga ako saka nagsalita."Kung makapagbawal ka, wagas. Eh bakit ikaw ang lakas mong uminom?" 

Matamis siyang ngumiti. "'Wag mo na akong intindihin. As long as your healthy, I'm okay with that."

Hinuli ko ang kamay niyang humahaplos sa pisngi ko at ihinilig ang ulo doon na ikinatawa niya.

The Emotionless Cold Nerd (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon