Nakatitig lang siya sa akin nang pakawalan niya ang mga labi ko. Maya-maya pa ay nakakaloko siyang ngumisi.
"Taste good." Nakangising sabi niya tapos ay bigla na namang nawala ang lahat ng emosyon sa mukha niya. "Maligo ka na. Ang baho mo." Pagkasabi niya niyon ay tinalikuran na niya ako at nagsimulang maglakad palayo.
Imbis na mahiya dahil sa sinabi niyang mabaho ay nainis ako sa isiping hinalikan niya ako. Anong karapatan niyang halikan ako? Ni hindi ko nga siya kasintahan.
Nag-igting ang panga ko. Kumuyom ang mga kamao ko at nagsalubong ang mga kilay ko. Walang ingay akong tumakbo at nang malapit na ako sa kaniya ay iniangat ko ang kanang paa ko para sipain siya sa ulo ngunit ilang pulgada na lang ang layo ng paa ko sa ulo niya ay bigla na lang itong humarap at walang kahirap hirap na sinalo ang aking paa. Halos manlaki ang mga mata ko sa gulat. P-paano niya naramdaman ang ganoon kabilis na galaw ko?
"Maligo ka na at magpalit. Alam kong wala kang ibang pamalit kaya gamitin mo na muna ang damit ko. Maghanap ka na lang sa closet. Dalian mo't ihahatid pa kita sa condo mo dahil maaga ang klase ko ngayon." Walang emosyong aniya. Bigla akong nakaramdam ng kaba. Aagawin ko pa lang sana ang paa kong nasa kamay niya nang higpitan niya ang pagkakagawak niyon. "At kagabi, ang clingy mo." Pagkasabi niyon ay bumahid ang iritasyon sa mukha niya.
Natigilan ako. "A-anong sabi mo?" Naguguluhang tanong ko pero deep inside ay nahihiya ako. Alam ko na kung ano ang mga pinaggagawa ko kagabi. Dahil kapag lasing ako ay mahilig akong mangyakap.
"Niyakap mo ako sa binti, niyakap mo ako sa likod, nahulog ka sa ilalim ng upuan ng saasakyan, sinakal mo ako habang tulog ka at sinipa mo ako paalis sa kama ko." Naiirita niyang kuwento saka pabagsak na ibinaba ang ang paa ko sa tile at tuluyan nang lumabas ng kuwarto. Ako nama'y naiwang nakatulala.
"G-ginawa ko lahat ng 'yon?" Wala sa sariling naitanong ko.
Lutang akong naglakad patungo sa banyo para maligo gaya ng sinabi niya. Ni-lock ko ang pinto bago hinubad lahat ng suot ko. Napangiwi pa ako nang maamoy kung gaano kabaho ang damit ko.
Sa tanang buhay ko, ngayon lang yata ako gumising ng ganito ang amoy. Tinupi ko ang mga damit ko at itinabi iyon saka naglakad patungong shower.
Pinainit ko muna ang tubig sa shower bago itapat ang sarili roon. Habang nasa ilalim ng shower ay hindi ko maiwasang alalahanin ang paghalik niya sa akin kanina. Wala sa sariling napahawak ako sa labi ko. His lips were so soft. The smell of his breath-- malakas na binatukan ko ang sariling ulo dahil sa kagagahan ko at mabilisang tinapos ang paliligo.
Nakatapis lang ako ng tuwalya habang naghahanap ng damit sa closet niya na puwede kong suotin.
Habang tumatagal ang paghahanap ko ay nagsisimula na rin akong mainis. Lahat na lang kasi ng damit niya ay mga over size. Ang mga jacket at t-shirt niya ay halos maging kumot ko na. Hindi ko naman magalaw ang mga mamahalin niyang mga damit dahil baka kung ano pa ang isipin niya.
Napipilitang kinuha ko ang over size niyang jacket saka kumuha rin ng boxer sa mga boxers niyang maayos ang pagkakatupi pero ibinalik ko rin iyon kaagad nang maisip kong paano kung ginagamit niya pala iyon araw araw? No no no no no. Iba na lang ang susuotin ko.
Muli akong naghanap. Inabot na ako ng ilang minuto kakahanap ng susuotin pang ibaba at wala pa rin akong mahanap na kakasya sa akin. Naiinis na hinablot ko ang maong niyang pantalon na mukhang malaki rin iyon sa akin.
Naiinis na isnuot ko lahat ng mga kinuha kong damit sa closet niya. Kumuha rin ako ng belt bago lumabas ng walk in closet at tumayo sa harap ng malaking salamin.
Nagsalubong ang mga kilay ko nang makitang hindi iyon bagay sa akin. Ang jacket niyang suot ko ay hanggang tuhod ko. Ang jeans niya ay maluwang at malaki. Tang*na! Pero may choice ba ako? Naiinis na tinupi ko ang manggas ng jacket na suot at cuffs ng suot na jeans saka nagsuot ng belt dahil nahuhulog ang jeans sa baywang ko. Tang*na. Pakiramdam ko ay para akong naghirap at wala nang maisusuot.
BINABASA MO ANG
The Emotionless Cold Nerd (Completed)
Ficción GeneralEveryone admire, respect, and fear Savannah Hernandez. She's not the type of person to be humble when she's hurt. She also never let anyone to dictate her because she has her own decisions in everything she does.But, when it comes to Logan Griffin...